Duterte takot matamaan ng Covid-19

Takot si Pangulong Rodrigo Duterte na matamaan ng Covid-19.

Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu, sinabi nito na apat na sa kanyang mga kaklase sa College of Law sa San Beda ang namatay na.

Ito aniya ang dahilan kung kaya kailangan niya magpa-injection.

“This is a very vicious microbe. At saka kaming lahat na karamihan sa mga kaklase ko, sa ka-batch ko, classmate ko, apat ang patay kasi matanda na,” pahayag ng Pangulo.

“Kaya rin ako takot baka kasali na ako doon sa mag-expire sa aming Class ’72 sa College of Law. Namamatay eh, diretso. So iyan ang… Pasensiya na kayo. I have to inject something,” dagdag niya.

Una rito, sinabi ng Pangulo na nakahanda siyang magpaturok ng bakuna kontra Covid-19 sa harap ng publiko para patunayan na ligtas ito.

Pero kalaunan binawi ito ng Palasyo at sinabing gagawing pribado na lamang ang pagpapabakuna ni Pangulong Duterte.

Read more...