Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang hirit ng Professional Regulation Commission na makapagsagawa ng licensure examinations para sa mga professionals na naka-schedule sa Enero hanggang Marso 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napagkasunduan ng IATF matapos ang ginawang pagpupulong.
“The request of the Professional Regulation Commission to conduct and administer licensure examinations for professionals scheduled for January to March 2021 was approved,” pahayag ni Roque.
Base sa website ng PRC, kabilang sa mga naka-schedule na licensure examinations ang medical technologists, sanitary engineers, architects, veterinarians, physical therapists, occupational therapists, geologists, psychologists, mechanical engineers, medicine, respiratory therapy, education, at iba pa.
Matatandaang sinuspendi ng IATF ang pagsasagawa ng licensure examinations para makaiwas sa sakit na Covid-19.