Kris nanigas ang mukha at katawan nang magpa-picture kay Alex…bakit kaya?

LUMABAS ang pagiging fan girl ni Kris Bernal nang makita at makasama nang personal ang TV host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Inamin ni Kris isa siya sa mga super fan ni Alex, ito raw ang isa sa mga naging inspirasyon niya para karirin ang pagba-vlog at magkaroon ng sariling YouTube channel.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng litrato nila ni Alex na kuha sa studio ng noontime show na “Lunch Out Loud” sa TV5 noong nag-guest siya sa programa. Isa si Alex sa mga host ng “LOL”.

Ang caption ni Kris sa litrato nila ni Alex, “Here’s a little trivia about me.

“Did you know? Ever since I started binge-watching @cathygonzaga vlogs, I became motivated to start my own YT channel.

“Luckily, I had a chance to meet her in person last December,” ani Kris. Iyun daw ang unang pagkakataon na nakita niya nang personal ang sister ni Toni Gonzaga.
Dagdag pang pahayag ni Kris Bernal, “Well obviously, in this picture, ang tigas ng katawan at ng mukha ko! Lol!

“I couldn’t even look straight at her. I was so anxious for a whole day because I really want to take a picture with her.

“Alam yan ng handler ko, @inaagabe I was supposed to vlog about it but my nervousness got in the way,” chika pa ng aktres.

Sa huli, binati rin ni Kris si Alex matapos nitong ibandera sa buong universe na kasal na sila ni Mikee Morada.

“Btw, I just finished watching her latest vlog about her wedding day! God’s perfect timing is really the best!! Congrats Mrs. Morada!

“Hope you’ll continue to vlog and spread good vibes to other people even if you’ll start a new journey!” mensahe pa niya kay Alex.
Agad namang nagkomento ang YouTuber sa post ni Kris, “Aaaaw. Hi kris!!!! Next time we see each other mas mahaba na sana chikahan natin!!

“Congrats also on your engagement ikaw na next!” sey pa ni Alex na ang tinutukoy nga ay ang pagpapakasal nila ni Kris at ng fiancé nitong si Perry Choi.

Tuwang-tuwa naman si Kris na sinagot ni Alex ang kanyang IG post, “@cathygonzaga Omg!!!!!!!! Thanks for noticing me!!

“That’s why you’re so loved by many cause you’re grounded even with all the success thay you have. Congratulations again!! #melting #freakingoutsilently,” sey pa ng aktres.

Read more...