Hirit ni Vice na ‘I’m the comedian, you are the clown’ pang-okray kay Harry Roque?

THE patutsadahan between Vice Ganda and Secretary Harry Roque is seemingly never ending.

Matapos kasing sabihin ng main host ng “It’s Showtime” na sa sabon nga ay choosy ang mga Pinoy ano pa kaya sa bakuna, ay sumagot si Secretary Roque.

“Mali naman na ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba,” say ni Roque after reading siguro Vice Ganda’s tweet which said, “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

“Nag-aagawan nga po tayo sa 18 percent na available supply. Pangalawa, hindi lang naman po ito gagamitin para sa damit. Kaya nga po hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi taltlong grupo pa ng eksperto ang mag-susuri kung ang mga bakuna ay ligtas at epektibo,” paliwanag ni Secretary Roque.

“Kung hindi naman po natin pagtitiwalaan ang mga experts… sino ang ating pagtitiwalaan? Siguro po hindi mga komedyante,” dagdag pa ni Secretary Roque.

Tila may buwelta rito si Vice Ganda who said sa isang episode ng “It’s Showtime”, “Hindi ako clown. I’m a comedian at may kilala akong clown. I’m a comedian, you’re the clown.”

Naku, ano kaya ang magiging sagot dito ni Secretary Roque? Patulan kaya niya uli ang sinabi ni Vice?

Abangan!!!

* * *

For Keempee de Leon, malaking pagbabago ang lock-in taping for “Bagong Umaga” na kinabibilangan niyang soap opera at pinagbibidahan ni Heaven Peralejo.

“Dati, lahat tayo may freedom na puwede kang lumabas kahit anong oras, wala kang kinakatakutan, walang pandemya. Ngayon, mag-aalangan talaga,” say niya sa isang interview sa isang website.

Naging maingat naman ang pamunuan ng “Bagong Umaga” at sinisigurong safe sila palagi.

“Taking a risk itong ginagawa naming trabaho. Mabuti na lang nandiyan ‘yung swab test, swab test. Kahit papaano ay safe naman kaming lahat.

“Siyempre, may mga protocols ka na kailangang sundin araw-araw. Maya’t maya tsini-check ang temperature ninyo. Kakatok sa kuwarto n‘yo.

“Same thing goes to the taping. May mga cheking-checking na rin. Pero it’s a good thing na rin na siyempre, nag-spend ka ng time sa family mo kahit paano. ‘Yung health mo na natse-check mo rin, nakakapag-workout ka kapag may time ka rin.

“Medyo nakakapanibago lang din. Well, may mga matitigas ang ulo na nagkikita sa labas, nagpa-party-party pa rin,” say niya.
Maging ang communication between friends ay naapektuhan nang husto ng pandemya. Hindi na kasi uso ngayon ang gimik, zoom na.

“At least kahit paano ay nagsu-zoom na lang, nag-uusuap-usap via zoom. Pero iba pa rin siyempre ‘yung personal na magkakasama-sama kayo, ‘di ba? I guess puwede pa naman ‘yung basta may social distancing,” say pa ni Keempee.

Read more...