Malapit nang maluma ang diyaryo at TV

MAGDADALAWANG-ISIP na ang mga opisyal ng gobyerno na magnakaw sa kaban ng bayan dahil alam nila na nagbabantay na ang taumbayan sa kanila.

Naging aktibo na ang mga ordinaryong mamamayan na bantayan ang ginagawa ng mga kawani ng pamahalaan dahil pagod na sila sa mga ginagawang pangungurakot ng mga ito.

Dapat nang matakot ang mga taong-gobyerno dahil sa ipinakitang galit ng mamamayan sa Luneta noong Lunes.

The citizenry is now taking an active part in governance through the social media like Twitter, Facebook and Instagram.

Sa pamamagitan nitong bagong form of mass communication, ang mga tao ay nabigyan ng kapangyarihan na ilantad ang mga abusadong kawani ng gobyerno, gaya ng mga pulis, at mga corrupt politicians.

Naging kolumnista at komentarista na ang mga ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng social media.

This is a very healthy sign of democracy which, to quote US President Abraham Lincoln, is a “government of the people, by the people and for the people.”

Ang mga nag-rally laban sa pork barrel sa Rizal Park ay pinasimunuan ng mga tinatawag na netizens, mga taong mahilig magbigay ng kanilang opinyon sa pamamagitan ng social media.

Kahit na walang lider ang rally sa Luneta noong Lunes, the message sent to the government by the people is that hindi na nila masisikmura ang pangungurakot sa gobyerno.

Ang mga middle class at mayayaman, na nakatira sa mga millionaires’ villages, ay nagsama-sama noong Lunes sa Luneta upang isigaw ang pagkamuhi ng sambayanan sa pork barrel.

Dapat malaman ng mga taong-gobyerno na ang middle class ang nagpasimuno ng Edsa people power uprising na nagpabagsak sa diktadurang Marcos.

Di na magtatagal, about 10 years or less, ang diyaryo at telebisyon ay masasapawan na ng social media na nasa computer.

Kapag naging affordable na ang computer sa lahat ng mamamayan, wala nang silbi ang diyaryo at TV na tagapagbalita at tagapagbigay ng komentaryo sa sari-saring isyu.

Ako’y bobo sa paggamit ng computer—ang ginagawa ko lang sa computer ay gawin itong typewriter—napipilitan akong mag-aral ng paggamit ng computer to keep up with the 21st century.

Kung hindi ako mag-adjust sa 21st century ay magiging extinct ako gaya ng dinosaur.

At matutuwa ang
aking mga kalaban.

Technology is changing at a very fast pace.

Ang telegrama at pagdadala ng sulat sa pamamagitan ng koreo ay makaluma na.

Ang mga bagets—yung may edad na 20 pababa—ay natatawa kapag binabanggit sa kanila ng mga nakatatanda ang tungkol sa telegrama at koreo.

Ang nadatnan na nila kasi ay text messages.

Kahit na ang paglalahad ng pag-ibig ay pinadadaan na sa text.

Matawa na sila kung matawa, pero how I miss the “good old days”!

 

Read more...