True ba, Jomari idedemanda ang nanay ng 2 anak dahil sa isyu ng sustento?

IPINAGTANGGOL ng konsehal ng 1st District ng Parañaque City na si Jomari Yllana ang sarili sa akusasyon ng dati niyang karelasyong si Joy Reyes at ina ng dalawa niyang anak.

Hindi raw totoo ang pinalalabas nitong hindi niya sinusustentuhan ang mga anak, nataon lang na kaya lumobo ang Meralco bill ay dahil sa panahon ng pandemya na pinaasikaso naman daw niya sa kanyang staff.

Nabanggit ng aktor-politiko na may sworn statement ang dalawang yaya ng mga anak niya na may dumadalaw kay Joy sa bahay nito na nagngangalang Mr. Sarmenta, Mr. Contis at Mr. Fructuoso.

“Kilala ko ba sila? Sana kaapelyido lang,” ang sabi ni Jomari. Ang tatlong artista lang naman na kilala sa showbiz na may apelyidong ganu’n ay sina Romnick Sarmenta, Paolo Contis at Eric Fructuoso.

At dahil dito ay nagbigay ng saloobin ang talent manager na si Manay Lolit Solis tungkol sa mga pangalang nabanggit ng dalawang yaya.

Nag-post siya ng larawan ni Jomari sa kanyang Instagram account na may caption na, “Ewan ko kung pang headline ito, pero may nasagap akong balita na baka mag-file na ng kaso si Jomari Yllana to stop once and for all ang gustong mangyaring word war ng ex na si Joy.

“Kalokah na hahantong na sa ganito at naging very dirty na ang labanan, dahil siyempre nga siguro nakita ni Jomari na in the long end, siya ang talagang mas malaki ang mawawala kung patuloy na everytime may complaints ang ex, sinisira siya in public.

“Nabalitaan ko na meron mga sworn statements mula sa mga yaya ng mga bata na si Jomari pala ang nagpapasuweldo na meron mga bagay na puwede mag prove na hindi fit para maging guardian ng mga anak nila ang ex .

“Ang natakot ako, may narinig ako na baka masali ang mga pangalang Contis at Fructuoso. Naku hah, ayoko isipin kasali ang alaga ko na si Paolo Contis dito noh!

“Mali kaya ako. Iyan na nga sinasabi ko, dapat ingatan mga ganitong bagay, kasi nga meron din boiling point ang kahit sino pang gentleman pag nagalit na. Siguro dumating na sa breaking point si Jomari na mapapansin mo na sa mga sarcastic na sagot nito, ‘walang kuryente, pero meron Facebook at cellphone?’

“Pati na wrong choice of words pino-point out na niya, sign na naiinis na siya at gusto na rin mang inis. So now, siguro, ayan dakdak ka pa, sige gusto mo ako sirain,ipaalam ko rin sa publiko bakit tayo nauwi sa ganito, iyon narin siguro ang baging defense mechanism ni Jomari.

“Very sad, mabuti na lang , bata pa ang mga anak nila at hindi pa alam iyon paglalabas nila ng dirty linens sa public. Very sad, dahil self-destruction na ang pupuntahan ng lahat. Imagine mo, pandemic pero gumamit ka ng 100K na kuryente? Talagang very pathetic ang issue.

“Pero now, at least sa korte na siguro sila magkikita kita. The irony of a lost love going bad. At kawawang mga bata, siguro kung malalaki na sila, sasabihin nila, sana pamaypay na lang ang ginamit nila para sa hangin, hindi na aircon. Who is sorry now?”

Bukas ang BANDERA kung nais magpaliwanag nina Joy, Romnick, Paolo at Eric hinggil sa isyung ito.

Read more...