Andi ipinakilala na si ‘little island boy’ Koa; Philmar hataw sa TikTok para aliwin ang mag-ina

IPINAKITA na ng engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa madlang pipol ang itsura ng bagong silang nilang baby boy.

Isang araw matapos manganak, nag-post uli ang aktres sa kanyang Instagram account ng litrato kung saan makikita ang cute na cute na si “little island boy” Koa.

“And just like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January, 2021 at 10:09am, we welcomed the newest member of our family Hello world! Meet our little island boy, Koa,” ang caption na inilagay ni Andi sa kanyang post.

Si Baby Koa ang ikalawang anak ni Andi kay Philmar, ang una ay ang ang super bibo ring si Lilo. Ang panganay naman ni Andi ay Ellie na anak niya sa dating karelasyong si Jake Ejercito.

Sa IG account naman ni Philmar, nag-post ang champion surfer ng litrato ng kanyang fiancee habang karga ang kanilang bouncing baby boy.

Makikita rin sa isa pang photo si Philmar na hinahalikan si Andi habang nagpapadede kay Koa. Sey niya sa caption, “Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you, mahal ko. You are the strongest person I know.”

Kahapon ng umaga nang ibandera nina Andi at Philmar ang pagsilang ni Baby Koa. Mensahe ng anak ni Jaclyn Jose, “We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side.

“Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!” sey pa ni Andi

Bago pa man ihayag ng proud parents, nauna nang ibinalita ni Jaclyn Jose sa kanyang IG followers na nanganak na nga si Andi sa kanyang third baby.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa TikTok dance video ni Philmar habang inaaliw ang kanyang mag-ina na nasa ospital pa rin ngayon.

“Gata keep er ismaylin,” ang caption ng surfer sa nasabing video.

“Papa entertaining us 24/7,” ang chika naman ni Andi nang i-repost niya ito sa Instagram story.

Read more...