NA-SHOCK ang award-winning actress na si Dina Bonnevie nang madiskubre ang tunay na ugali at personalidad ni Jay Manalo.
Magkasama ang dalawa sa Kapuso primetime series na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez na napapanood na uli sa GMA Telebabad.
Sa isang panayam, inilarawan ni Dina ang naging experience niya sa kanilang lock-in taping pati na ang mga na-discover niyang mga ugali ng mga co-stars sa serye, kabilang na nga ang leading man nila ni Snooky Serna na si Jay.
Nagulat si Ms. D nang malamang isa palang cool dad ang aktor, “I thought he was exactly like the roles he plays, ‘yung babaero, happy-go-lucky but I was surprised that’s he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.
“Every morning habang nagmi-makeup ako nandiyan si Jay sa right side kumakain siya ng breakfast kasi magkasunod ‘yung makeup schedule namin.
“Tapos doon nakikita ko nagbi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nagbi-video call sila tuwing umaga then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay,” chika ng Kapuso actress.
Tungkol naman sa kaibigan at ka-batch niyang si Snooky, napatunayan niyang mas naging strong pa ang personality nito ngayon.
“Si Snooky naman matagal ko nang nakasama. I used to think she is such a fragile person, napakamahinhin, so delicate, pero deep inside she’s a very strong woman, not only that, I realized she’s a rockstar inside.
“Tahimik ‘yan, mahinhin pero inside she has so many bold ideas, visions, she’s a voracious reader.
“She tells me about the things she reads. She’s very intelligent. Ngayon ko lang nakikitang nagsasalita openly si Snooky, she’s eager to share her thoughts. I like that about her,” sabi pa ni Dina.
Nagbigay din ng komento ang aktres tungkol sa mga Kapuso youngstar na sina Kate Valdez at Barbie Forteza.
“Si Kate, sports-minded pala ito. Nag-i-skates siya, nakakatuwa kasi parang gusto ko tuloy ulit mag-roller blades.
“More than that, I discovered that Kate is such a loving daughter. ‘Yun bang kahit yayain mo siyang kumain, mas importante sa kaniyang she eats with her dad. At sobrang magalang na bata,” paglalarawan niya sa dalaga.
Patuloy pa niya, “Ganoon din si Barbie, she’s a very respectful person, very independent. Si Barbie napakamature for her age. Napakamature mag-isip.
“Nandoon din ‘yung mga kabataan but you can see from the way she views things in life that she’s a very mature person,” papuri pa niya sa girlfriend ni Jak Roberto.