Janine umamin: Sinasabi ko dati ayoko mag-showbiz, lahat sila artista na…

“AYOKONG mag-artista!” Yan ang laging isinasagot ng bagong Kapamilya star na si Janine Gutierrez kapag tinatanong siya noon kung mag-aartista rin siya tulad ng kanyang mga magulang.

Yan naman daw talaga ang totoong nararamdaman niya nu’ng mga panahong mas gusto niyang mapalayo sa mundo ng showbiz dahil nga halos buong angkan na nila ang nasa entertainment industry.

Mula nga sa lolo at lola niyang sina Christopher de Leon at Nora Aunor hanggang sa parents niyang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, idagdag pa ang kanyang Mamita na si Pilita Corrales (nanay ni Monching) — lahat nga naman ay nasa showbiz na.

“Parang nu’ng bata ako, I was super apprehensive. As in every time people would ask me kung mag-aartista ako, I would say ayoko.

“Pero kasi, they kept asking me kasi nga lahat ng kamag-anak ko, lahat ng lolo at lola ko, artista,” sabi ni Janine sa chikahan nila ng kaibigang celebrity photographer na si BJ Pascual.

Pahayag pa ng FAMAS at Gawad Urian Best Actress, “So, parang feeling ko I had no choice. So, bilang pasaway, bilang feeling ko I want to make my own choice, sinasabi ko ayoko mag-artista. Lahat sila artista na.”

Ipinagdiinan ni Janine na walang pumilit sa kanya na pumasok sa showbiz, basta bigla na lang niyang naramdaman na gusto niyang mag-try at bigyan ng pagkakataon ang kaway ng pag-aartista.

“I think, na-realize ko rin when I got older, I just wanted to be sure na kung mag-aartista nga ako, it’s because gusto ko, hindi dahil pinilit ako or hindi dahil wala akong choice. So, ayun, in the end, ako din naman ang nag-decide to try it out,” paliwanag ng girlfriend ni Rayver Cruz.

Nu’ng una raw ay hindi rin pabor si Lotlot sa pagpasok ng anak sa mundo ng showbiz, “Kasi I was still in college and I just wanted to work and para may pera ako kasi wala na akong pera at all.”

Inamin din naman ni Janine na maswerte siya dahil galing siya sa angkan ng mga artista na naging pasaporte niya sa mabilis na pagsikat.

“Wala naman akong experience, eh. Like sobrang I know na I’m so lucky and alam ko ‘yung privilege ko bilang anak ng artista na I was given an opportunity to guest on mga shows.

“I had never naman performed live or on theater tapos biglang sasalang ka. So ang hirap. Hindi naman ako magaling. So, parang baptism by fire siya ganu’n. Du’n ka na matututo,” pahayag ng dalaga.

Tungkol naman sa kontrobersyal na pag-alis niya sa GMA at paglipat sa ABS-CBN ngayong 2021, “New and different and I’m really looking forward to that this 2021, ‘di ba?

“Parang nagbago na ‘yung mundo. And I’m excited to work with the actors, the directors there ‘yung mga team du’n, ‘yung mga production.

“My mom is also there and my brother, si Diego, he just started on ASAP. Ayun, I’m excited to work with him also. New Year, new home. I’m excited kung saan nila ako ilalagay,” sabi pa ni Janine.

Read more...