Ayon kay Ms. Pilita sa panayam ng ABS-CBN, “I am very happy for her and I want to wish her all best. After winning best actress, she can do anything she wants, kahit na villain.
“She can do any role because she is serious with her work. She’ll do very well and besides she looks like her grandmother!” sabi ng veteran singer-actress.
Samantala, may haka-haka na makakasama si Janine sa “Darna” series ni Jane de Leon bilang si Valentina.
“Kayang-kaya niya ‘yan,” sambit ng magandang lola ng aktres.
Gumanap din na Valentina noon Ms. Pilita sa pelikulang “Darna, Ang Pagbabalik” na ipinalabas noong 1994 na pinagbidahan ni Anjanette Abayari kasama sina Edu Manzano at Cherie Gil mula sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes handog ng Viva Films.
“Kinaya ko rin ‘yon kahit tunay na ahas amg nilagay sa ulo ko!” sabi pa ng Asia’s Queen of Songs.
Pinuri rin ng proud lola ang apong super lambing, “Napakabait na bata, she and the other grandchildren are with me on Sundays. Minsan maglalambing, may hihiramin, okay, wala nang balikan,” natawang banggit nito.
Anyway, hindi na kami magtataka kung isang araw ay magsama sa isang project sa ABS-CBN ang mag-inang Lotlot at Janine dahil kasalukuyang may teleserye ang una sa network, ang “Walang Hanggang Paalam” kasama sina Paulo Avelino, Arci Muñoz, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Cherie Pie Picache at marami pang iba mula sa Dreamscape Entertainment.