SA wakas, natupad na rin ng Kapuso actor-TV host na si Juancho Trivino ang matagal na niyang pangarap — ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng college diploma.
Napakahirap man ng kanyang pinagdaanan, sulit na sulit naman daw ang pagod at sakripisyo na ipinuhunan ni Juancho para maka-graduate siya sa kolehiyo.
Natapos ng aktor ang kanyang kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.
Kahapon ginanap ang virtual graduation ceremony nina Juancho dahil bawal pa rin hanggang ngayon ang huge gathering dulot ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Juancho, taong 2009 nang magsimula siya sa college at inamin niya na napabayaan niya talaga ang pag-aaral simula nang mag-artista siya.
At noong 2018, nag-decide siyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa DLSU. As expected, hindi pa rin naging madali para sa aktor ang pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral pero nagpursige pa rin siya.
“The final stretch before I graduate from college!! Nag simula ako mag aral 2009, but when I started in the industry, I got caught up with work and never really prioritized finishing my degree.
“Last year, I decided to continue what my parents worked hard for: my education.
“Since then I have been juggling work and school to the point na nag papahatid ako sa service ng Unang Hirit mismo sa La Salle, mag papa excuse ako sa work because I have exams, or minsan kahit walang tulog derecho ako ng class.
No special treatments also, bagsak kung bagsak.
“Mahirap siya friends, and kahit na it’s cool to look good and take care of outer stuff, I’ve realized that education is still one of the best things we can prioritize and pursue. #Schooliscool #ThisIsForYouMama,” ang pahayag noon ni Juancho sa kanyang Instagram account.