JESSY jackpot kay SAM, mas lalaki kesa kina JM at MATTEO

Finally, mukhang nagkaroon na ng isang guy na seryosong manliligaw sa kanya. We’re referring to Jessy Mendiola na publicly ay inamin ni Sam Milby na smitten siya kaya nanliligaw na siya ngayon sa actress.

If in the past ay itinatago ni Jessy ang kanyang love life by denying what is already obvious, ngayon ay open ang dalaga sa possibility na in the future ay maging sila ni Sam.

‘Yan  ang basa namin sa statement niyang itinext kay Darla Sauler, “Oo nanliligaw siya. Single ako at single siya so bakit naman hindi,” sabi ni Jessy.

But she was quick to clear that they have not reached the boyfriend-girlfriend relationship. “Pero we go out lang naman ang hang. Nothing super serious since alam niya priority ko ang career ko,” dagdag niya.

If it’s any indication, mukhang hindi mahihirapan si Jessy na mahalin si Sam since, “He’s a very sweet and nice guy so I don’t want to close any doors naman and why not let him get the chance na makilala ako and ganun din ako sa kanya.

Let’s see how it works na lang.” So, there. Wait na lang tayo. Mukhang this time ay suwerte na si Jessy sa lalaki. Boyfriend material si Sam at ang maganda paninindigan siya dahil una pa lang ay inamin na nitong type niyang ligawan ang dalaga.

‘Yung kasing past two relationships ni Jessy ay pawing EPIC fail. ‘Yung isa hindi niya maamin kahit na sila naman talaga ni JM de Guzman.

‘Yung isa naman, the one with Matteo Gudicelli, ay nauwi rin sa wala. Ang masakit pa, parang pinaasa lang siya. Parang siya lang ang nagmahal at naghabol kay Matteo. How sad, ‘di ba?

( Phot credit to Google )

Read more...