HEART, CHIZ nabuking na nagli-live in na dahil sa ‘2 PARES’ ng tsinelas


JUST because there were two pairs of tsinelas, isang panlalaki at isang pambabae, ay nachismis na kaagad na nagli-live-in na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Ewan kung mga tsinelas nga nina Heart at Sen. Chiz ang nakunan ng photo at lumabas sa isang website but many were thinking that the footwears belong to them. And easily, many thought na nagsasama na nga sa isang bahay ang dalawa.

Based on people’s reaction sa photo, marami ang naniniwalang meron nang live-in arrangement ang couple. Anyway, they’re adults already and they so love each other kaya naman hindi na kami magtataka kung magsama man sila.

Wala naman sigurong pakialam ang ibang tao kung mag-live-in man sila because it’s their life anyway.  Nakakaloka ang comment ng isang guy sa photo na ipinost ni Heart sa kanyang Instagram account.

Todo-ngiti kasi si Heart sa photo kaya napansin siguro ng isa niyang follower ang paninilaw ng ngipin niya. Actually, hindi naman talaga naninilaw ang teeth ni Heart.

We have seen her a couple of times and we can say na isa siya sa mga celebrities na may shiny white teeth. Baka nanilaw lang ang kanyang teeth dahil sa lighting. Nakakaloka ang followers, ‘no, lahat na lang napapansin.

( Photo credit to Google )

Read more...