Malapit umabot sa kalahating milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus sa Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Department of Health, hanggang ika-4 ng hapon ngayong Sabado ay nadagdagan ng 2,058 ang may Covid-19 sa bansa, kung kaya’t umabot na ang kabuuang bilang sa 498,691.
Sa bilang na ito, 28,674 o 5.7 porsyento ay mga aktibong kaso.
Walo naman ang namatay ngayong araw dahil sa nakakahawang sakit habang 406 ang gumaling. Sa kabuuan, 9,884 na ang namatay at 460,133 naman ang nakarekober.
Ang mga lalawigan ng Cavite at Rizal na kapwa nagtala ng 96 na kaso ang may pinakamalaking bilang ng tinamaan ng coronavirus.
Sumunod dito ang Leyte na may 96 na kaso, 85 sa Quezon City at 84 sa Mountain Province.
Limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang record ngayong araw, ayon sa DOH.