Pumangalawa ang Pilipinas sa tinaguriang “most Instagrammable” na bansa sa buong mundo, ayon sa ranking ng isang international travel website.
“Home to incredible natural wonders like an underground river and tranquil rice terraces in addition to a vibrant culture and history spanning several millennia; and over 7,500 islands – the Philippines as a whole are extremely Instagrammable,” ayon sa “50 Most Instagrammable Places in the World” na inilathala ng Big 7 Travel.
“From the bustling capital of Manila complete with colourful colonial streets to the absolute oasis of Boracay, the gram opportunities here are endless,” dagdag nito.
Nanguna sa listahan ang Tokyo, Japan na ayon sa website ay may 53 milyong #tokyo hashtag.
Pangatlo naman ang Paris, pang-apat ang New York at pang-lima ang Istanbul sa Turkey.
Ika-50 sa listahan ang Athens, Greece.
Ayon sa Big 7 Travel, ang Top 50 na listahan ay nagawa ayon sa scoring system na nagsuri sa dami ng hashtag na nakuha ng mga lugar, resulta ng sarbey mula sa social audience, at input mula sa editorial team.