Target ng gobyerno na mabigyan ng Covid-19 vaccine ang limang milyong Pilipino pagsapit ng Hunyo.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang unang gagawing hakbang ay makapagpabakuna nang maaga.
“Unang hakbang po natin, pinaaga po natin ang pagbabakuna. Bago pa po dumating ang mga western brands, gaya ng sabi ko ang Pfizer, may kaunti na rin pong darating sa Pebrero,” pahayag ni Roque.
“Siniguro natin na at least five million vaccines can be used by our people. Kasi po mas mabilis makahawa itong new variant. So bibigyan natin ng proteksyon ang pinakamababa, limang milyong mga Pilipino between now and June,” dagdag nito.
Samantala, ukol naman sa quarantine restrictions, sinabi ni Roque na nakadepende ito sa maitatalang kaso ng nakakahawang sakit at critical care capacity ng bansa.
Pero sa ngayon, tiniyak nito na marami pang available beds sa ICU, wards at isolation facilities.