NAPATUNAYAN na ngayon ng Kapuso actress at first time mommy na si Sheena Halili na hindi talaga madali ang maging isang nanay.
Inamin ni Sheena na effort talaga ang pag-aalaga ng baby lalo na kapag bigla na lang iiyak nang malakas at kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mapatahan.
Hands on mommy at daddy sina Sheena at Atty. Jeron Manzanero sa pag-aalaga sa panganay nilang anak na si Martina Candice na ipinanganak last Dec. 12, 2020. Ayon sa mag-asawa ibang klase raw talaga yung feeling kapag kinakarga at nilalaro nila ang sanggol.
Pero sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Sheena kung gaano kahirap ang mag-alaga ng bagong silang na baby, lalo na kapag nagmamaktol na ito at iyak nang iyak.
“May mga gabi na nahihirapan rin ako na patahanin si Martina.
“Minsan 1-2 hours ako nag-hehele sa kanya. Dede, burp, helo pero iiyak pa rin.
“Palit ng diaper, massage tummy, iyak pa rin. Siguro, nararamdaman niya ‘yung stress at pagod ko kaya madalas ipapasa ko siya sa mommy ko.
“Pero madalas BURP at UTOT ang problema at parang nalulunod na siya sa milk ko kaya kailangan ko mag-pump muna.
“Anak, tahan na,” ang mensaheng ipinost ni Sheena sa IG Story.
Nagpasalamat din ang Kapuso mommy sa lahat ng netizens na nagpapadala sa kanya ng tips at advice sa pag-aalaga ng baby “Salamat sa mommies nag-DM sakin dami ko natutunan at alam ko di ako nag-iisa.”
Nitong nagdaang Jan. 12 nag-one month si Baby Martina at bilang bahagi ng kanilang selebrasyon, nag-photo shoot talaga ang cute na cute na bagets.
Sa Instagram naman ni Jeron, nagbigay ito ng trivia tungkol kay Baby Martina. Aniya, isinunod ang pangalan ng anak nila ni Sheena sa lolo nitong si Candido Halili?
“December 12 is also the birthday of the lolo of your mommy! His name was Candido Halili. He was one of your mommy’s heroes–a great man who is watching over us from heaven. That’s why we decided to name you after him!” ani Jeron.