Barbie na-shock sa pasabog na sorpresa ni Diego: Grabe ka talaga!

HINDI kinaya ng powers ni Barbie Imperial ang pasabog na surprise sa kanya ng boyfriend na si Diego Loyzaga.

Ipinakita ng isa sa mainstays ng Kapamilya TV series na “Bagong Umaga” ang grabeng pagpaparamdam ng pagmamahal ni Diego sa kanyang Instagram account.

Nagulat si Barbie sa kanyang pag-uwi dahil punung-puno ng fresh flowers, photos, lighted candles at rose petals ang kanyang kuwarto. Talagang surprised na surprised ang dalaga.

“Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga (crying emoji) you’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga,” caption ni Barbie sa kanyang Instagram photos.

Ang daming celebrities na nag-comment sa post na iyon ni Barbie.

“Aaawwww love this!!! Love you both,” say ni Karla Estrada.

“Sana all,” say naman ni Maymay Entrata.

“Grabeeeeeeee namannnnn! Hahahahahaha! Sana all. Love you, happy for you,” comment ni Vina Morales.

“Kelandi,” sey naman ni Angelica Panganiban.

“GRABE!” comment ni Michelle Vito na kasama ni Barbie sa “Bagong Umaga”.

Grabe ang numbers of views that the IG post of Barbie elicited, umabot na kasi ito sa 425,740 as we write this.

Read more...