Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malayang pumili ang mga alkalde at gobernador kung ano ang bibilihing bakuna laban sa Covid-19.
Sa pulong kasama ang Cabinet members, sinabi ng pangulo na maaaring pumili ng kukuning bakuna ang mga nasabing opisyal ng gobyerno para sa kanilang mga nasasakupan.
“I’m now addressing to the mayors and governors. You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin ninyo,” pahayag ni Duterte.
“Maraming local government units who opted to go on their own. Sila ang magbili, may pera sila, at sila ang mamili ng kanilang vaccine or whatever,” dagdag ng pangulo.
Hindi naman aniya pipilitin ang lahat na makiisa sa ibibigay na bakuna ng national government.
READ NEXT
Senior star sinabihan si Osang ng ‘walang ginawa kundi bumukaka’, Maui ininsulto sa pagiging sexy star
MOST READ
LATEST STORIES