WATCH: NBI, kinukumpleto pa ang forensic at criminal na imbistigasyon sa pagkamatay ni Christine

Tinatapos pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang forensic at criminal investigation ukol sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.

Naging matipid si Atty. Ferdinand Lavin, Deputy Director ng NBI, sa pagbibigay ng detalye hinggil sa nabuo nilang teorya base sa isinagawang re-autopsy sa mga labi ni Dacera.

Inamin ng NBI na naging hamon sa kanila ang re-autopsy.

Narito ang buong ulat ni Jan Escosio:

Read more...