DIRETSAHANG sinagot ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang tanong ng kanyang misis na si Heart Evangelista kung tatakbo na siyang presidente sa 2022 elections.
May mga chika na pinaghahandaan na raw ni Chiz ang susunod na presidential elections next year matapos nga siyang matalo nang tumakbo sa pagka-Vice President noong 2016.
Sa bagong vlog entry ni Heart sa YouTube para sa fourth episode ng kanyang “Adulting” series, muli niyang nakasama ang asawa sa isang makabuluhang kuwentuhan. At isa nga sa mga napag-usapan nila ay tungkol sa politika.
Tanong ng Kapuso actress kay Chiz kung tatakbo ba siyang presidente ng Pilipinas next year? “No. I have no plans of doing so. (I have) no money, no resources, not my time, and I am happy where I am,” mabilis na sagot ng politiko.
Dugtong pa niyang paliwanag, “You have to want it. And those who are running and saying they don’t want it, it’s not accurate.
“You have to want it before you can actually decide to run, run a campaign, and be the president, the governor, congressman, or senator. It is, and it will, so you have to want it first. Right now, I am happy where I am,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa ni Chiz, “If I do run, I have three choices in 2022. Either I run for governor again, not run, or run for the senate if I have the numbers. Or simply naka-rely lang ako sa ‘yo.”
Sagot naman ni Heart, “Ay, no! Ayoko naman ng ganu,’n. Huwag namang ganu’n. Mas maganda pa rin yung pareho tayong may ginagawa.”
Sunod na tanong ni Heart kung bakit siya tumakbong Vice President noong 2016 kung saan tinalo siya ni VP Leni Robredo.
“I guess for two reasons, I wanted something to offer myself, and I wanted to get it over with. Wala nang what-ifs. And at the same time, I felt like I had something unique and different to offer.
“I ran in seven elections and won in all six except for one and sa lahat ng election ko, hindi ko ipinagdasal na manalo ako.
“Marami akong hinihingi sa Diyos at marami akong ipinagdarasal, pero hindi iyon ang ipinagradasal ko mula pa noong simula — na manalo ako sa eleksyon.
“I always pray in relation to elections I’m running for and for His will to be done. Mahirap namang humiling ng makakasama sa sarili mo, sa pamilya mo, sa bansa, o sa lahat ng tao.
“It’s easier to accept because you didn’t ask for it. It’s also easier to embrace and be more confident because you would know if it happened, in accordance with your prayer, it’s in His accordance as well,” magandang paliwanag pa ng gobernador.