Meryll kay Joem: Salamat sa pag-aalaga sa akin, your love is unparalleled…

“HE’S the best. Thank you so much, Dud.” Bahagi yan ng appreciation post ni Meryll Soriano para sa kanyang boyfriend na si Joem Bascon.

Si Joem ang tatay ng bagong panganak na baby ng aktres na ipinakilala na nila sa madlang pipol kamakailan kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Meryll ang dyowang aktor sa ibinibigay nitong pagmamahal at sa walang sawang pag-aalaga sa kanya at sa kanilang anak.

Ibinahagi ni Meryll sa mga IG followers niya ang ilang litrato nila ni Joem noong ipinagbubuntis pa lang niya ang panganay nilang baby.

“Thank you for taking care of me — now US. Your love is unparalleled,” aniya sa caption na pinusuan at ni-like naman ng maraming netizens na nagsabing ipagdarasal nila na sana’y sila na nga ni Joem ang itinadhana forever.

Nauna rito, nag-post din si Meryll ng sweet message para sa aktor kung saan nagpasalamat siya sa ginawa nitong pagsasakripisyo noong nahihirapan siya sa kanyang pagbubuntis sa edad na 38.

“I couldn’t have done it without Dud. He helped me stay on track. He stopped buying Cloud 9 and HawHaw.

“He did the pregnant workout with me. And, there are no words to explain the taking-care-of-me part. He’s the best.

Thank you so much, Dud,” mensahe pa ng anak ni Willie Revillame sa tatay ng kanyang bagong silang na anak.

Ito ang ikalawang pagbubuntis ni Meryll at aminado siyang talagang nahirapan siya nang isilang niya ang sanggol.

Ang panganay niyang si Elijah ay anak naman niya sa dating asawang aktor din na si Bernard Palanca.

“Pushed my heart out. 7lbs. 20 in. 10hrs. of labor. Normal birth delivery. We welcomed our beautiful boy.

“At 38, my doctor told me that it’s risky and difficult. I had anxiety over this on the latter part of my pregnancy.

“I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6-7 month of my pregnancy. Which meant 4 x a day of glucose tests, 4 x a day of insulin shots and nth goodbyes to donuts, chocolates and cakes until I give birth.

“So, I worked out 4-5 x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could. It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done.

“Voila! I made it. I did it! I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery,” lahad ni Meryll sa isa niyang IG post.

Kung matatandaan, unang naging magdyowa ang dalawa noong 2010 pero naghiwalay din makalipas ang isang taon.

Nagkabalikan sila nang magkasama muli sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Culion”.

Read more...