NALAGAY pala sa peligro ang buhay ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Jai Agpangan noong mismong araw ng Pasko, Dec. 25.
Kuwento ng Kapamilya actress-comedienne, tatlong araw siyang na-coma matapos mawalan ng malay sa bisperas ng Pasko.
Ikinuwento ni Jai sa kanyang bagong vlog kung ano ang tunay na nangyari sa kanya para na rin matigil na ang mga kumakalat na maling balita tungkol sa tunay na estado ng health condition niya.
“I’m just going to say something about what really happened to me. Actually, it was a very hard time for me. Wala akong ligo ngayon. Walang make-up pero gusto ko lang maging honest talaga. Kasi ayoko na ng mga assuming na people na parang draining sa akin. Ayoko na talaga ng stress,” simulang pagbabahagi ng komedyana.
Ayon kay Jai, Dec. 24 nang magsimula siyang magsusuka matapos ngang magkaroon ng impeksyon ang kaliwa niyang tenga.
“Actually, before Christmas, like December 24, I experienced swelling sa left ear ko. I don’t know. Baka dahil sa piercings ko na infected pala siya. But nagsusuka ako,” ani Jai.
Sey pa niya, “Like I was cooking for Noche Buena kasi I like to cook. It’s like my hobby. Nagku-cook ako ng spaghetti because I will attend my cousin’s birthday. So I was making spaghetti for her tapos I was making samgyup for my family.
“Tapos ang sama ng pakiramdam ko. Parang nasusuka ako. I was waiting for Joj kasi she was doing her errands like buying stuff, buying gifts for Christmas. Tapos bigla akong nag-stop mag-cook and then sumusuka ako like 20 times,” sabi pa ng dating housemate ni Big Brother.
Nang hindi na kaya ni Jai ang sakit na nararamdaman, “I asked my sister Jasper, our youngest, parang ‘Jasper, can you call the massager kasi ang sama ng pakiramdam ko? Pwede mo ba ako pisil-pisilin kasi parang I cannot breathe well. So parang I was scared.
“Kasi honestly, kami ni Joj matiisin kami. Like hangga’t kaya namin, hindi naman namin sasabihin. Hindi naman kami magrereklamo,” kuwento pa niya.
“So ‘yung massager namin, si Steph, ‘Jai, okay ka lang?’ parang pinipisil niya ako tapos 20 times na ako sumusuka. Tapos hindi ko na-remember nag-pass out na ako. Buti na lang talaga, thank God na lang talaga, nu’ng 24 ‘yung lola namin parang nag-knock sa door ng neighbor namin kasi doctor.
“Nag-ask kami ng help. Hindi ko alam na parang sabi ng mom ko I was peeing sa dress ko lahat. Super basa ako ng pee ko. Tapos pinakuhaan na ako ng blood pressure. I cannot breathe, nagsi-seizure na ako,” pagpapatuloy pa ni Jai.
Dahil coma na nga siya, pinakakain si Jai sa pamamagitan ng nasogastric intubation and feeding o NGT, “Actually, grabe ‘yung nangyari sa akin. I got coma for almost three days. 24, 25, 26. Tapos 27 ako nag-wake daw. Hindi ko alam na NGT.
“Tapos lumbar tap ako kasi akala nila meningitis. Parang na-tetanus ako, infected, sepsis. Ang daming sinabi sa akin doctor. Pero buti na lang mabait ‘yung doctor namin magaling,” lahad pa ng dalaga.
Sa huli, nagpasalamat si Jai sa Diyos dahil binigyan pa siya ng second life, “I thank God for everything especially my family. Kasi parang naging support system ko sila. Kasi honestly parang very serious matter talaga ‘yung sa amin. Very open matter na naging open sa amin lahat, mag-take care sa lahat.”
Dagdag pa niyang mensahe sa lahat ng kanyang supporters, “Life is a blessing and grabe sa prayers talaga and sa mga tao nagbi-believe sa amin. Sa family ko, sa mga closest friends, grabe hindi ko ‘to makakayanan.
“Half death na kami ng sister ko and I was so scared kasi parang ‘di ko kaya. Kasi I know I have a purpose pa. And na-experience ko ngayon, medyo masakit pa kasi two weeks palang pero recovering na ako.
“2020 talaga it made me stronger and 2021 I’m hoping that things will be better and in Jesus’ name I’ll be healed,” dasal pa ni Jai na paulit-ulit pang nagsabi ng “Praise the Lord!”