Elisse wala pang balak bumalik sa Pinas; ayaw nang magkaroon ng ka-loveteam?

WALA pang planong umuwi ng Pilipinas ang Kapamilya actress na si Elisse Joson na kasalukuyang nasa Amerika ngayon kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon sa dalaga, ine-enjoy pa rin nila ang buhay sa ibang bansa kahit na may banta pa rin ng pandemya roon, basta ang mahalaga raw ngayon ay magkakasama silang pamilya sa iisang lugar.

Nakachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media si Elisse kamakailan sa virtual presscon ng iWanTFC para sa latest horror anthology na “Horrorscope” kung saan bibida siya sa episode na “Libra.”

“Tinitingnan pa at tinatantsa pa rin yung sitwasyon kasi una holidays kasi lagi kaming umaalis ng bansa, yun yung kinagawian ng family.

“Pero siyempre dahil iba yung sitwasyon ngayon, maraming kailangan isipin. Yung pag-travel at saka yung work situation kung ano bang magiging trabaho pagbalik, health ng family.

“Maraming kailangan i-consider so sa ngayon, we’re just going with the flow. Tinitingnan pa namin kung paano gagawin ang mga bagay bagay. Sa ngayon, ine-enjoy pa lang ang bakasyon,” pagbabahagi ni Elisse.

Tungkol naman sa bago niyang horror project, “Sa episode namin na ‘Libra’, gaganap ako bilang si Clarissa. Bagong lipat from a different town. So kumbaga nu’ng pagkapasok ko sa bagong community na ito, very mysterious. So hindi nila alam yung pinanggalingan ko.

“This was actually set in the 1940s and yung Japanese era so ang set up namin du’n ay makaluma and sa main story umiikot sa pari which is si sir Bodjie Pascua.

“And then yung horror papasok kasi yung character ko masasapian ng demonyo. Ang tanong is kung bakit and kung paano. Very exciting ito,” kuwento pa ng aktres tungkol sa “Horroscope” na mapapanood na sa iWanTFC simula sa Jan.13.

Samantala, sinagot din niya ang tanong kung nami-miss ba niya ang may ka- loveteam, lalo na ang tambalan nila ni McCoy de Leon.

“Ever since naman, kahit nu’ng magka-loveteam kami, lagi kong sinasabi sa lahat na gusto kong maging wider yung matatanggap kong mga proyekto.

“So one positive thing siguro na nakuha ko nu’ng nawala, nu’ng hindi na ako nasa isang loveteam is yung chance na magkaroon ng iba’t ibang role and mas matuto ako.

“Kasi feeling ko du’n ako talaga natututo and luckily, may mga taong naniwala and sumugal and nagbigay sa akin ng iba-ibang role. So very blessed ako when it comes to that,” chika pa ng dalaga.

“Masasabi ko hanggang ngayon, I’m still enjoying yung hindi nata-typecast, getting different roles kasi du’n talaga ako kumukuha ng maraming madaming learnings. And yung loveteam I think parang hindi na ako nandoon kumbaga.

“Maybe someday magkakatrabaho ulit, we never know. Like I said, mas gusto ko rin kasi yung tahimik when it comes to my personal relationships. Sa ngayon, work and my personal (life) are like two separate things,” diin pa ni Elisse.

Read more...