Dating Goin Bulilit star Kristel Fulgar nakabili ng bagong sasakyan, sariling property dahil sa pagba-vlog

Dating Goin Bulilit star Kristel Fulgar nakabili ng bagong sasakyan, sariling property dahil sa pagba-vlog

Ervin Santiago |January 11,2021
share this

Dating Goin Bulilit star Kristel Fulgar nakabili ng bagong sasakyan, sariling property dahil sa pagba-vlog

Ervin Santiago | January 11,2021 - 09:27 AM

NANG dahil sa pagba-vlog, dalawa sa mga bonggang pangarap sa buhay ng dating child star na si Kristel Fulgar ay natupad na!

Nakabili na ang sikat na YouTuber ng sarili niyang sasakyan at isang property kung saan very soon ay itatayo naman ang dream house ng kanyang pamilya.

Ibinahagi ng former Goin’ Bulilit star sa isa niyang vlog ang mga bagong achievements niya sa buhay kasabay ng kanyang 26th birthday nitong nagdaang Dec. 29.

Dito nga makikita ang pagpunta ni Kristel sa nabiling property mula sa mga kinita niya bilang vlogger, “Ipapasilip ko po sa inyo yung lupang pagtatayuan ko ng bahay next year.”

Nauna rito, ibinalita rin ng dalaga sa madlang pipol na nakabili rin siya ng brand new car na nagkakahalaga umano ng mahigit P1 million.

Sey ni Kristel, “Kailangan kasi ng sasakyan, coding ulit, di ba? Balita namin magkakaroon na ulit ng coding.

“Napilitan kami kumuha nito kasi ang laki ng discount. Yung dati ko kasing ginagamit pang-coding, ginagamit na ng ate ko ngayon.

“Dalawa naman yung garaheng ipapagawa ko sa bahay so kasya naman siya,” esplika ng aktres.

Pahayag pa niya, “Ang main purpose talaga ng vlog na ito ay hindi para ipagmalaki lang ang mga blessings na natanggap ko. Pero kasi hindi ko makukuha lahat ng yun kung wala yung mga taong sumusuporta sa akin at isa kayo du’n.

“Bawat subscriber ko at bawat nanonood ng mga videos ko ay part ng success ng career ko. Maraming, maraming salamat sa inyo. Isa kayo sa mga nagpapatatag sa akin.

“Isa kayo sa mga nagpaniwala na kaya ko malagpasan itong pandemic at maka-survive sa year 2020. Ang masasabi ko na naging kasangga during pandemic at year 2020 ay si God dahil hindi niya ako pinabayaan.

“Ramdam na ramdam ko yung guidance Niya and Siya yung alam kong laging nandiyan para sa akin.

“At alam kong Siya rin yung nagbibigay ng lahat ng blessings na natatanggap ko. So maraming, maraming salamat kay God and again, maraming salamat sa inyo, sa viewers ko na patuloy na sumusuporta sa akin.”

Patuloy pa niya, “Promise ko na ipagpapatuloy ko lang yung paggawa ng quality content para sa inyo, guys. Para ma-entertain kayo and, at the same time, malabas ko rin yung passion ko sa content creating,” chika pa ni Kristel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending