Heart, Chiz nagbigay ng tips para sa LDR couples: Hindi porke nagka-COVID magbe-break kayo…

HINDI biro at talagang “struggle” is real para sa mga taong nasa LDR o long distance relationship, lalo na noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Iyan ang pinatunayan ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista na ilang buwan ding hindi nagkikita dahil sa kani-kanilang ganap sa buhay.

Noong magpatupad ng enhanced community quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagkanya-kanya muna ang celebrity couple — naiwan sa Metro Manila si Heart habang nasa Sorsogon naman si Chiz kung saan siya nagsisilbi bilang governor.

Muling humarap sa publiko ang mag-asawa sa fourth episode ng “Adulting” series na mapapanood sa  YouTube channel ng Kapuso actress na “Love Marie Escudero”.

At dito nga nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang LDR at kung paano ito nagwo-work para sa relasyon nila bilang married couple. Sey ni Heart, kailangan lang daw ng extra effort ng mga LDR couple para mas mapatatag ang kanilang pagmamahalan.

Naiintindihan din daw niya ang sitwasyon ni Chiz bilang public servant at alam niyang hindi madali para sa kanyang asawa na hatiin ang oras at panahon nito sa pamilya at mga kababayan niya sa Sorsogon.

Hirit naman ng gobernador kay Heart, “Ipasa ko sa ‘yo yung tanong. Ikaw kaya, nag-shooting ka ng isang buwan sa China. Ganoon din naman yun. Unawaan at intindihan.”

Hiningan din ng aktres ang asawa ng advice para sa mga magdyowang pinaghiwalay pansamantala ng pandemya at patuloy na naninindigan at nakikipaglaban para sa kanilang LDR relationship.

“This too shall come to pass. It will pass sooner or later. It’s a matter of holding on to each other during this time. Hindi naman siguro porke nagka-COVID magbe-break kayo at hindi nagkikita sa isa or dalawang buwan. Ibig sabihin noon mababaw. At hindi nakaugat kung ano mang meron kayo,” lahad ng governor.

Dagdag naman ni Heart, “In short, in a nutshell, it is about communication and understanding.”

Sabi pa ni Chiz, maswerte nga raw ang henerasyon ngayon dahil may internet na at social media. Noon daw kasi, nang una siyang magkaroon ng LDR nagtitiyaga sila sa sulatan (na ilang araw pa bago matanggap) at mahal na long distance calls.

Sumang-ayon naman si Heart sa kanyang mister, “Yeah. I get that kasi dati rin before sa mga ex ko, we had Skype. We had video calls, MMS was very uso din. Super Skype hanggang madaling araw tapos hihintayin mo hanggang makatulog yung isa.

Hirit naman ni Chiz, “Tapos good night kayo ng good night mga 20 beses na pero wala pa ring gustong magbaba ng telepono.”

Naniniwala naman ang mag-asawa na may mga positibong resulta rin ang LDR, sabi nga ng Kapuso star at fashiom icon, “Like me I feel like I’m able to do things that I need to do when you’re busy. I’m also productive. So we both grow. Hindi selfish kind of love. You don’t need that love.”

At para kay Chiz, “Each and every person also need that time apart, time to be by himself for herself for them to grow. Not apart but separately.”

“I agree. Very good ka diyan,” pagsang-ayon ni misis kay mister.

Read more...