B-day gift ng fans kay Sharon may kasamang cash: Hala ka! What is the meaning of this?

UMABOT kaya sa P100,000 ang tig-iisang libong pabunot mula sa rattan box na regalo ng supporters ni Sharon Cuneta na Megaberks sa kanyang kaarawan?

Ipinost ng Megastar ang isang video kung saan makikita ang pink roses na galing pa ng Hawaii (base sa binasang sulat ni Sharon) at may mga larawan ng fans sa palibot nito.

At nang hilahin na ito ng singer-actress, “From my Sharonians. Oh my goodness there’s cash! Ha-hahaha! That is so cute.”

Patuloy pa ring hinila ni Sharon ang tig-iisang libong perang papel kaya nagulat siya dahil ang dami pang lumalabas mula sa box, “Ohhhh, Sharonians, this is Megaberks. Why are you doing this? Hala ka, what is the meaning of this? I’ll put it back.  I’ll get muna the letter.”

Binasa nga ni Mega ang birthday message sa kanya ng mga Sharonians kasama na ang isa pang sulat mula sa nagbigay ng pink roses na binili sa Bloomingdale Roses na kumbinasyon ng fresh at dried petals.

May nagbigay din ng owl painting na si Hedwig (sa Harry Potter) kay Sharon na personal niyang kilala at pinayuhan niyang magkaroon na ng exhibit soon.

“Thank you Cynthia (miyembro ng Megaberks), you’re so talented.  Bakit ba ‘yung paintings moa yaw mo pa ipalabas sa buong bayan.”

At nang makita na ang painting, “Look at that. It’s Hedwig, the snow owl beautiful. This is my favorite kind of owl. Oh Cynthia thank you so much. This is too much, Megaberks, thank you for making my birthday even more extra special,” saad pa ng aktres.

Ipinakita rin niya ang certificate of authenticity ng painting na itatago raw niya sa kanyang vault.

Samantala, dahil umabot na sa sahig ang tig iisang libong piso ay kagat-kagat na ito ng fur baby ni Sharon na si Mochi.

“Mochi do not eat that money, that is not for you, ahhh, that’s not for you, that’s for helping other people,” sabi ni Shawie.

Sa bandang huli ng video ay muling nagpasalamat ang aktres sa kanyang supporters na walang sawang nagmamahal sa kanya at talagang hindi nagpahuli sa sorpresang handog nila para sa 55th birthday ni Mega.

Read more...