401,322 OFW, nakauwi na sa mga lalawigan – DOTr

Umabot na sa 401,322 na overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan sa ilalim ng ‘Hatid-Tulong’ Program.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naitala ang nasabing bilang ng mga napauwing OFW hanggang Enero 8.

Sa nasabing bilang, 123,452 ay naihatid sa pamamagitan ng land transport at 209,185 naman ang air transport simula Mayo 25 hanggang Enero 8.

Samantala, 68,685 OFWs namam ang nakauwi naman sa pamamagitan ng sea transport mula Abril 27 hanggang Enero 8.

Sa pagitan ng nasabing petsa, walang naging biyahe sa Hunyo 1, 3, 8, 12, 15, 20, 24 at 28 at mula Agosto 10 hanggang 13.

Pinangunahan ng DOTr ang naturang programa katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.

 

Read more...