Kapatid ni Robin na si Royette Padilla, pumanaw na

Kapatid ni Robin na si Royette Padilla, pumanaw na

Reggee Bonoan |January 09,2021
share this

Kapatid ni Robin na si Royette Padilla, pumanaw na

Reggee Bonoan | January 09,2021 - 04:24 PM

Sumakabilang-buhay na ang  dating aktor na si  Royette Padilla, kapatid nina BB Gandanghari at Robin Padilla, ngayong Sabado, ayon sa kanyang kapatid na babae. Siya ay 58-taong gulang.

“Pls. whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please,” ang madamdaming pakiusap sa mga kaibigan ni Rebecca Padilla sa kanyang Facebook post.

Tinanong ng Bandera ang asawa ni Robin na si Mariel kung ano ang ikinamatay ni Royette gunit tanging sad face na emoji ang isinagot ng aktres.

Maging ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes ay tikom ang bibig sa sanhi ng pagpanaw ng  dating aktor.

Pero ayon sa ilang source, atake sa puso ang ikinamatay ni Royette. Hindi naman nabanggit kung naitakbo pa ito sa ospital.

Matatandaang noong Abril 23 ay namayapa na ang asawa ni Royette na si Jean Sheryll Padilla dahil sa brain cancer.

Kaya nga’t sa isa pang post ni Rebecca sa Facebook na nagpapakita naman sa larawan ni Royette at asawang si Jean ay may caption ito na, “Together now, in eternal peace and loving embrace of our Creator. Cheers Jane and Oyroro! Yakap. #eternallove.”

Sa showbiz, nakilala si  Royette sa kanyang paggampan sa mga pelikulang  “Alab ng Lahi” (2003), “Buhay Kamao” (2001), at “Eto na naman ako” (2000).

Mula sa Bandera ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Royette Padilla.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending