Pero wala pa ang pangalan ni Sen. Bong sa 13 senator na nabanggit na sumusuporta sa pagsisulong ng bill ni Sen. Tito Sotto para sa 25 years franchise renewal ng Kapamilya network.
Ang mga pangalan ng mga senador na sumusuporta riyo ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Richard Gordon, Sen. Manuel “Lito” Lapid, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Joel Villanueva, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Francis Pangilinan.
Nabanggit din ni Sen. Bong na kahit may sama siya ng loob sa ABS-CBN News and Public Affairs department ay hindi naman daw kasama rito ang Entertainment department.
“From the very beginning naman, kahit na may sama ako ng loob sa kanila, supportive ako sa ABS-CBN franchise.
“At hanggang ngayon, iyon pa rin ang stand ko. I will support the renewal of the franchise of ABS-CBN.
“Ilang buwan na ring walang trabaho iyong mga kababayan natin na nagtatrabaho sa showbiz.
“Saka kung meron man silang nasagasaan noon, siguro nag-suffer na rin sila, di ba? Ang importante ngayon, matulungan natin iyan, maibalik natin, mabigyan ng trabaho ang mga nawalan ng trabaho.
“Iyong mga taga-Entertainment, mga kaibigan ko lahat iyon. Sina Ma’am Charo [Santos], sina Malou Santos, Olive Santos. Wala pa sila sa ABS-CBN, mga kasamahan ko na sila. They’re very close to me.
“May mga project pa na gagawin ako sa Star Cinema. Remember, ako iyong first actor nila?” Pahayag ng aktor-politiko.
Samantala, natanong nga kung tuloy ba ang gagawin niyang pelikula sa Star Cinema, “Ayokong isipin na kaya su-support ako sa kanila, e, dahil gagawa ako ng pelikula, di ba? Ayoko munang sagutin iyan, pero ever since, sinabi ko na supportive ako sa ABS-CBN franchise. Kasi mahirap, e. Sasabihin, conflict of interest. Mahirap ‘yon,” katwiran niya.
Sa tanong kung ngayong 2021 mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, “It should emanate sa Lower House. And then, ita-tackle namin pag sumampa sa Senado. Isa ako sa nag-file niyan, kumbaga, iyong support sa renewal. Sinabi ko ‘yon, paninindigan ko,” katwiran ng senador.