Pero sa pakikipag-meeting ng aktres kasama ang manager niyang si Leo Dominguez sa Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal siguradong inihain na sa kanila kung anu-anong project ang gagawin ng aktres.
Nabalitaan namin na nakipag-dinner ang kampo ni Janine kina Sir Deo kamakailan para nga sa paglipat ng dalaga sa Kapamilya Network.
Base na rin ito sa larawang ipinost ni Leo sa kanyang social media account na ang caption ay, “Thank you Sir Deo Endrinal for the Congratulatory dinner for Paulo Avelino at Janine Gutierrez (emoji heart).”
Ang basa namin kaya may congratulatory dinner si Sir Deo kay Janine ay dahil sa dalawang best actress award na nakuha nito noong nakaraang taon — sa Urian at FAMAS para sa pelikulang “Babae at Baril” na idinirek ni Rae Red.
At si Paulo naman ay dahil sa pagkakapanalo nito bilang best actor sa pelikulang “Fan Girl” na kasalukuyan pa ring humahataw sa Upstream.ph at inaabangan na rin sa KTX.ph at ilang piling sinehan.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nababanggit kung kailan ang official contract signing ni Janine sa Kapamilya Network.
Tulad nga nang isinulat namin dito sa BANDERA kamakailan ay may inaayos pa raw na ilang bagay-bagay tungkol sa paglipat ng dalaga, sabi mismo ng aming source.
Baka naman mangyari ang pirmahan bago umalis si Janine para sa lock-in shooting niya out of town for her new project.
Abangan!