Kiray may New Year’s resolution na 20 taon na niyang hindi natutupad; Drew sasabak sa ‘K-Pop training’

MAY isang New Year’s resolution ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis na 20 taon na niyang pinaplanong gawin pero laging waley!

Kaya ngayong 2021, sana raw ay magawa na niya ito pati na ang iba pa niyang goals sa kanyang buhay at showbiz career.

Ayon kay Kiray, ngayong Bagong Taon ang isa sa nais niyang gawin ay magtrabaho uli nang magtrabaho dahil nasulit na raw niya ang halos buong taon kasama ang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay.

“Magtrabaho nang sobra, kasi napasobra ang family time ko ngayong 2020, so feeling ko super kayod this 2021,” pahayag ni Kiray sa panayam ng GMA.

Chika pa ng komedyana, “Tsaka mas aayusin ko ang pagsasayaw ko. Feeling ko mas ipu-pursue ko ‘yung sayaw-sayaw since alam n’yo na, lagi tayong sumasayaw nowadays kapag bored.

“So feeling ko kailangan ko pang i-motivate pa ang sarili ko para mag-work hard for mga dance,” aniya pa.

“Actually, every year na lang tinatanong ako kung ano ang New Year’s Resolution ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natutupad, at isa lang ‘yung lagi kong sinasagot, ‘yung mag-diet at mag-workout ako. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya magawa.

“So hanggang ngayon, siguro mga 20 years ko na siyang New Year’s Resolution, hanggang ngayon hindi pa rin natutupad. So ‘yun pa rin, mag-diet at mag-workout this 2021,” lahad pa ni Kiray.

* * *

Bagong taon, bagong biyahe kasama ang “Biyahe ni Drew.”

Ngayong Biyernes (Jan. 8), kahit may pandemic ay hindi magpapapigil si Drew Arellano sa kanyang pagbiyahe sa South Korea from the comforts of his own home.

Samahan si Drew sa kanyang Biyaheng K-Pop kung saan magte-take siya ng dancing lessons sa tulong ng Korean Cultural Center. Magkakaroon din ng virtual tour si Drew sa fifth tallest building in the world—ang 556 meters na Lotte World! May healing walk pang mae-enjoy kasama ang alpacas ng Alpaca World.

Hindi kumpleto ang biyahe kung walang food trip. Kaya naman tikman ang authentic Korean dish na sweet Korean pancakes na kayang-kayang lutuin sa loob ng bahay.

Abangan lahat yan sa “Biyahe ni Drew” ngayong gabi, 10 p.m. sa GMA News TV.

Read more...