Carla, Rafael wagi sa Face of the Year 2020 ng Vietnam; serye ng GMA nanalong Best Foreign Drama

MULING itinanghal na Favorite Foreign Actress ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa “Face of the Year 2020” ng Vietnam.

Nagwagi ang partner ni Tom Rodriguez para sa natatangi niyang pagganap sa 2016 romcom drama series ng GMA na “Because of You.”

Bukod sa nakuhang award ni Carla, winner din ang nasabing Kapuso TV series ng Best Foreign Drama habang ang leading man niya sa nasabing programa na si Rafael Rossel ay nanalong Favorite Foreign Actor.

Ibinandera ni Direk Mark Reyes ang magandang balita sa kanyang Instagram account kasabay ng pagbati niya sa lahat ng taong nasa likod ng proyekto.

Sa kanyang IG account naman, ipinost din ni Carla ang bagong award na kanyang natanggap. Aniya sa caption, “I WON AGAIN IN VIETNAM!”

“God, thank you for this amazing blessing! And THANK YOU to all my fans who voted for me all over the world, most especially to my Filipino and Vietnamese fans!

“God bless you all! Thank you, IMC! Thank you @kenh_todaytv ! I can’t wait to come back!”

Ito na nga ang ikalawang beses na na nanalo si Carla ng Favorite Foreign Actress sa “Face of the Year” ng Vietnam. Una siyang nakatanggap nito noong 2017 para sa Kapusp drama series na “My Destiny.”

* * *

Tampok sa next episode ng real-life drama anthology na #MPK ang madamdaming kuwento ng isang nanay na hirap magbuntis.

Gagampanan ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan ang buhay ni Emily, habang si Mike Tan naman ang gaganap bilang nobyo niyang si Rommel. Maaga sanang nagbunga ang kanilang pagmamahalan ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang ipinagbubuntis ni Emily.

Matutuklasan nila kalaunan na ito ay sanhi ng kaniyang “incompetent cervix,” kung saan mahina ang mga tissue sa cervix na nagdudulot ng premature birth o pagkalaglag ng ipinagbubuntis.

Sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak, magagawa ni Emily na magnakaw sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Abangan ang kaniyang kahihinatnan sa bagong episode na “Krimen ng Isang Ina” ngayong Sabado, 8 p.m. sa #MPK hosted by Mel Tiangco.

Read more...