Hugot ni Ogie Diaz: Ginawa namin ni misis ang aming 5 anak nang hindi ako lasing

“BAKIT ako ang ginagawang sampol sa ‘Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din?'”

Yan ang tanong ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz matapos mag-viral ang pahayag ng ni Makati City Chief of Police Col. Harold Depositar tungkol sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon sa nasabing opisyal ng Philippine National Police, kahit daw ang mga bakla ay, “lalaki pa rin, lalo na if (they are) under the influence of intoxicating alcohol.”

Ito’y may koneksyon naman sa naging pahayag ng anak ni Claire dela Fuente na si Gregorio de Guzman na isa sa mga pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkamatay ni Christine.
Aniya, imposible raw na sila ang pumatay at gumahasa sa biktima dahil isa isang “bakla.” Hindi raw siya kailanman nakipag-sex sa babae.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, naglabas ng saloobin si Ogie tungkol sa paggamit sa kanya bilang halimbawa ng isang bading na nakapag-asawa ng babae at nagkaroon pa ng limang anak.
Hugot ng comedian-vlogger, “Bakit ako ang ginagawang sampol sa ‘Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din?’

“Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing.

“Pero totoo sa akin yung when it comes to intimacy kineso eh para din akong straight barako. Pero after cumming to town, titikwas na naman ang mga daliri ko,” diretsahang pahayag ni Ogie.

Nagbigay din siya ng payo sa mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso, “Saka sa mga kapulisan natin, husayan na lang po natin ang imbestigasyon. Hanapin na lang po natin ang katotohanan at tulungan nyo na lang po ang pamilya ng biktima at mga sangkot na makamit ang hustisya sa maintrigang pagkamatay ng flight attendant.

“Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan.

“Dapat pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod nang deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad — hindi takot at pangamba.

“Pwede naman nating iangat ang dignidad at integridad ng kapulisan eh. Pero nagsisimula yan sa kanilang hanay, pupuri lang kami kung may kapuri-puri.

“Teka. Ba’t napunta na sa pulis ang usapan? So yun nga, mahusay din po ako in bed, charot,” hirit pa ng manager ni Liza Soberano.

Read more...