Aminado ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na may pagkakamali rin siyang nagawa at tila tumulong pa sa pagpapakalat ng “misinformation” sa kaso ng namatay na biktima.
Maraming naguluhan sa magkakaibang statement na inilalabas ng mga otoridad tungkol sa mga taong pinaghihinalaan nilang may kinalaman sa kaso ni Christine.
At isa na nga riyan si Frankie na agad naglabas ng saloobin hinggil sa naunang balita na pinatay at ginahasa ang biktima. Inalmahan niya ang mga taong sinisisi pa si Christine sa nangyari sa kanya.
Ngunit sa paglabas nga ng bagong pahayag ng pulisya na wala pa silang sapat na ebidensya na magpapatunay na ginahasa bago pinatay ng mga suspek ang biktima, at sa pagpapalaya sa mga naarestong personalidad, marami ang naniwala na mukhang wala ngang foul play sa kaso.
Dahil dito, agad na nag-tweet si Frankie at inamin ang kanyang pagkakamali, “Before i sleep i’d just like to reiterate how absolutely sorry i am for helping to spread misinformation: the authorities’ statements were misleading and confusing (and still are) so i hope you can understand. regardless, rape will never be okay, though.
“It’s really eating me up guys i read through articles before tweeting but i should have waited knowing how the authorities function nowadays it’s sick and sad i’m really really sorry.
“I got caught up in the outrage, i promise i’ll do better. i’ve deleted all of the misleading tweets but i stand by everything i said re: respecting girls, and i hope christine still gets the justice she deserves. it’s still a heartbreaking and gut-wrenching way to start the year,” paliwanag ng dalaga.
Bukod dito, sinagot din niya ang ilang Twitter users na umalma sa ni-repost niyang listahan ng mga pangalang isinasangkot sa kaso. Isa na nga rito ang singer-actor na si Markki Stroem.
“This is not enough, I have friends on this list who did not deserve this public shaming. I rarely tweet. Take this down and apologize,” unang tweet ni Markki.
Siniguro naman sa kanya ni Frankie na buburahin niya ang nasabing post, “I will withhold opinions until further, accurate information is dispersed, but i would like to apologize for the initial impassioned tweets here below. all my other sentiments, however, remain true — respect is better than protection, and rápe is and always will be terrible,” aniya pa.
Sagot naman sa kanya ni Markki, “Tbh, thats all that was needed, removing the list from your platform of influence. I appreciate your valiant fight against rape culture, yet there is another war that is far from over: Homophobia. A boy had to come out on national TV before he was ready.
“That, along with comments such as this, ‘Kahit Bakla yan, lalaki pa rin yan, tinitigasan’, really shows the level of acceptance of our LGBT brothers and sisters. Anyway, enough of that, Happy Birthday to your mother, and have a wonderful night,” sabi pa ng aktor.