May kinalaman daw kasi ito noong nag-react ang premyadong aktres sa pagbabalik-telebisyon ng senador sa pamamagitan ng isang TV series sa Kapuso Network.
Ang tweet ni Janine noong Disyembre, 2019, “Oh God.” At may kasunod pang, “Hindi ko kaya besh” na sagot niya sa netizen tungkol sa balitang pagbabalik ng aktor-politiko sa telebisyon.
Maraming nag-react dito at isa na si Manay Lolit Solis na manager ng senador.
Ayon sa caption ni Manay sa larawan ni Janine na ipinost niya noong Dis. 20, 2019 sa kanyang Instagram, “Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya. The nerve na mag-negative comment siya sa TV comeback ni Bong Revilla.
“How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won’t be where she is today.
“Alam naman niya siguro ang history ng nanay niyang si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, pinalaki at inalagaan siya, at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz.
“Dapat sa mga pagkakataon gusto niya magbigay opinyon, nandun ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan ng lolo niyang si Christopher de Leon si Bong Revilla.
“I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip niya more than anyone else, siya dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay chance sa isang tao na gusto bumalik sa pinanggalingan niyang mundo.
“A piece of advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kundi sa kanila hindi ka naging Janine Gutierrez.
“Sayang, love pa naman kita, now takot na ako dahil baka maging judgemental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag rate mga ginagawa mong project.”
Going back to Sen. Bong, binalikan niya ng tanong ang katotong nagtanong na siya ang dahilan ng hindi pagkaka-renew ng aktres sa Kapuso network.
“Bakit (ako)? Ako pa? Walang masamang tinapay sa akin. In short, wala sa akin ‘yun kahit ano pa ang nangyari in the past, wala ‘yun. Wala akong kinalaman doon. In fact, kung ako nga, kung sasabihing gagawa kami ng movie together, I’m very much willing to accept her as my leading lady. Pero kung hindi man, okay lang din,” saad niya.
Ipinagdiinan niyang wala siyang alam kung anong basis ng GMA kung bakit hindi na nila ni-renew ang aktres na kamakailan ay nanalong Best Actress sa Famas at Urian para sa pelikulang “Bala at Baril.”
“Basta ako, sa aming mga magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin mo, siyempre, sa showbusiness, mas senior ako sa kanila.
“Itong mga batang artista, dapat matuto rin silang rumespeto sa mga nakatatanda sa kanila, sa senior sa kanila. Huwag nilang lapastanganin ang mga nakakatanda sa kanila, hindi lang sa amin, hindi lang sa artista. Bilang respeto sa nakakaedad sa ‘yo, matuto ka ring rumespeto,” payo ng aktor.
Idiniin ding wala siyang sama ng loob kay Janine, “I’m a very forgiving person. Pinatawad ko na ‘yung mga taong siguro, hindi naman nila alam ang puno’t dulo niyan. Kung anuman ‘yung naririnig nila, ‘yun lang ang nakakarating sa kanila.
“But eventually, kund hindi man sila maliwanagan ngayon, time will come na maliliwanagan din sila. And I understand them. Naiintindihan ko kung ano ang hugot nila.”
Sa kasalukuyan ay natapos na ni Sen. Bong ang bago niyang action-fantasy series sa GMA na “Agimat ng Agila” kasama sina Sanya Lopez, Sheryl Cruz, Roi Vinzon, Benjie Paras, Michelle Dee at iba pa na eere ngayong 2021.