IPINAKITA ng TV host-actress na si Kris Aquino sa madlang pipol ang isa sa mga senyales ng muling pag-atake ng kanyang autoimmune disease.
Ayon sa Queen of All Media, may pagkakataon na nagsisimula sa pamamaga ng kanyang mata ang pagiging active ng iniinda niyang autoimmune thyroiditis.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Tetay ang litrato niyang walang make-up suot ang kanyang OOTD para sa pagwo-workout. Dito nga makikita na magkaiba ang itsura ng kanyang mga mata.
“I’ll point it out, my left eyeball is much bigger and protrudes more visibly than my right. That’s an indication of my autoimmune thyroiditis acting up.
“I can’t do vigorous exercises, but I read up on a few breathing and morning meditation that I can try while working myself up to going back to a regular yoga practice.
“Yes, #maypinaghahandaan,” ang nakalagay na caption sa kanyang IG post.
Kung matatandaan, noong 2018 ibinalita ni Kris na meron siyang Chronic Spontaneous Urticaria, an autoimmune disease na kinakailangan ng “high dosage of antihistamines as she is prone to recurring severe allergic reactions.”
Aniya, “Now I can tell you the truth, I’m allergic to every single medicine that can cure you or at least manage your symptoms kung may lupus ka. All my doctors are doing now is delaying it.”
Nitong nakaraang araw, nag-post naman ang mommy nina Joshua at Bimby ng kanyang mensahe para sa pagpasok ng Bagong Taon.
“My 2021 resolution: everyday do something that makes me happy. And be sure to make another or others happy,” ani Kris gamit ang mga hashtag na #lovelovelove at #2021.
Bago magbabu ang 2020 ay marami pa ring blessings ang dumating sa buhay ni Kris kaya naman tuloy-tuloy din ang pamimigay niya ng tulong sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa pandemya at sunud-sunod na kalamidad sa bansa.