Teresa Loyzaga boto ba o kontra sa relasyon nina Diego at Barbie?

BOTONG-BOTO ang mga supporters nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa kanilang relasyon — halos lahat ay nagpakita ng suporta nang umaming sila na nga.

Maraming naka-relate sa love story nina Diego at Barbie na nagsimula munang maging magkaibigan at tropa-tropa hanggang sa ma-develop na ang feelings para sa isa’t isa.

Mismong ang Kapamilya actress na ang nagsabi na talagang hindi niya in-expect na ang isa sa mga itinuturing niyang BFF ay magiging boyfriend niya. Pero aniya, mas maligaya siya ngayon dahil bukod nga sa kaibigan ay may dyowa pa siya — 2-in-1 nga naman, di ba?

Pero ang tanong nga ng ilang netizens at fans ng dalawang youngstars, boto naman kaya ang nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga kay Barbie?

Sa Instagram photo na ipinost ni Diego makikita na yakap-yakap niya si Barbie at may caption na, “Happy new year to us! Thanks for making the end of my 2020 memorable. Let’s goooo 2021!!!”

Nag-share rin si Barbie ng litrato nila ni Diego together bilang kumpirmasyon na boyfriend na niya ang aktor. Aniya sa caption, “Still my favorite photo of us! Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever, but I’m really happy to have found both love and friendship with this one.

“Thank you for making me happy and feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you. #AngCheezyNiBarbie.”

Dugtong pa niyang mensahe, “Pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito.”

Base naman sa comment ni Teresa, na muli ngang mapapanood sa pagbabalik ng Kapuso series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday”, mukhang aprub naman sa kanya ang relasyon ng dalawa.

Sey ng veteran character actress, “Happy looks so good on both of you!

“Hija @msbarbieimperial and my son @diegoloyzaga love each other, respect each other, protect each other, speak kind words to each other. Be happy. You both deserve it.”

Sinagot naman ito ni Barbie ng, “Thank you po tita!”

Bukod kay Teresa, botong-boto rin si Sunshine Cruz sa relasyon ng dalawang youngstar matapos batiin ang magdyowa.

Malapit ang aktres kay Teresa pati na kay Diego na anak ng ex-husband niyang si Cesar Montano.

Read more...