ISANG buwan ita-try ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young na manirahan sa isang lugar sa Subic.
May isang bahay doon na nirentahan ang mag-asawa kung saan sila mananatili sa loob ng one month na malayung-malayo sa buhay nila sa Maynila.
Sa latest episode ng kanilang podcast, ang #BehindRelationshipGoals, ibinalita nga nina Megan at Mikael na ngayong 2021 nais nilang magkaroon ng ibang kapaligiran at sa Subic nga nila napiling simulan ang kanilang Bagong Taon.
Simulang pahayag ng Kapuso beauty queen-actress, “2021 is a new beginning for all of us ‘di ba?
“Well, we decided to test it out and, thankfully, they allowed us to rent first, so we’re testing out the waters on the feel of the house, how we feel about the environment, and kung good vibes, is it something we wanna do in the future?” sabi ni Megan.
Sey naman ni Mikael, susubukan muna nila ang buhay doon para ma-test kung tama bang iwan na nila ang buhay sa Manila at tuluyan nang manirahan sa probinsya.
Ang isa raw sa nagustuhan nila sa nasabing lugar ay ang napakagandang forest view na natatanaw mula sa kanilang balcony.
“It feels so uplifting for me. Wow, uplifting. Rejuvenating, I feel like a new person.
“Maganda siya, pero kakaibang feeling nararamdaman ko just looking at this because, usually, I see a building in front of me. Now, I see a forest,” pahayag ni Megan.
Samantala, excited na rin ang celebrity couple sa magiging projects nila ngayong 2021, kabilang na nga riyan ang bago nilang show na “Sing For Hearts” na isang singing competition with a “lovely twist”.
Sila ang magsisilbing hosts ng nasabing show, “We auditioned for this before the pandemic struck and completely forgot about it because we weren’t sure if they were going to continue the show. We weren’t even sure if they were going to pick us.
“Lo and behold, a comment on Instagram led us to the article which announced that ‘Hey, we’re doing a show, so cool!’
“We don’t know when that’s gonna start but we’re super excited because, as we’ve said, we’ve been doing this podcast but we’d also love to be able to take our hosting skills and our own rapport to TV so this is a start, right,” kuwento ni Mikael sa kanilang podcast.