GMA tinupad ang wish ni Heart: gagawa ng ‘fashion-serye’ sa Sorsogon

TINUPAD ng GMA 7 ang wish ni Heart Evangelista na makagawa ng teleserye kung saan maipakikita niya ang ganda ng Sorsogon at ang kanyang pagiging fashion icon.

Bibida ang Kapuso actress sa upcoming TV series na “I Left My Heart in Sorsogon”. Balitang very soon ay magsisimula na ang taping nito with Heart and other Kapuso artists.

Sa isang press statement, inilarawan ng GMA 7 na swak na swak kay Heart ang nasabing project at siguradong magugustuhan ito ng kanyang mga supporters.

“‘I Left My Heart in Sorsogon’ dwells on the story of a young woman whose status as a fashion socialite is shaken up after returning to her hometown, rediscovering her roots, and rekindling her love for family, community, and an ex-flame,” ang bahagi ng announcement ng GMA.

Sa kanyang Twitter account, sinagot ng tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations ang ilang tanong ng netizens tungkol sa bago niyang TV series.

Hindi nagbigay ng maraming detalye si Heart about her new project pero aniya, “Excited to go back to TV and highlight my love for Sorsogon. And it will be a teleserye with a lot of Chanel.”

Ipinagdiinan din niya sa isa pa niyang tweet na ang mapapanood ng Kapuso viewers sa kanyang bagong serye ay, “a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon.”

Ikalawang tahanan na ng aktres ang nasabing probinsya dahil nga pabalik-balik siya roon para makasama ang asawang si Chiz Escudero na nagsisilbing governor doon.

Samantala, enjoy na enjoy naman si Heart sa pagbabakasyon niya sa Balesin Island kasama si Chiz at ang mga anak nitong sina Chesi and Quino.

Sa Balesin nila sinalubong ang pagpasok ng Bagong Taon na ayon nga sa aktres ay isa sa talagang favorite beach niya. Doon din sila ikinasal ni Chiz noong 2015.

Pinusuan at ni-like naman ng netizens ang beach photos ng aktres kung saan ibinilad nga niya ang kanyang fit and super slim body with her black bikini top and black cover-up beach skirt.

“Feels like a dream,” ang maikling caption ni Heart sa kanyang bikini post.

Read more...