PASOK si Manila City Mayor Isko Moreno sa listahan ng mga public servant na posibleng iboto ng mga Filipino sa darating na 2022 presidential elections.
Nasa ikatlong pwesto ang dating aktor sa inilabas na latest survey ng Pulse Asia kung saan 12% ng mga respondents ang nagsabi na iboboto siya ng mga ito kung tatakbo siya sa May, 2022.
Nanguna sa survey ang anak ni President Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara (26%) na sinundan nina Bongbong Marcos at Sen. Grace Poe-Llamanzares na nag-tie sa ikalawang pwesto (14%).
Sa panayam ng CNN Philippines kay Mayor Isko, ipinagdiinan nito na wala siyang planong tumakbo sa pagka-presidente next year.
Hindi pa rin daw niya pinagtutuunan ng pansin ang susunod na eleksyon dahil mas nais nilang mag-focus sa patuloy na paglaban sa COVID-19 pandemic at sa paghahanda sa malawakang pagbabakuna anytime this year.
“Wala po,” ang diretsahang sagot ng alkalde sa tanong kung tatakbo siyang pangulo sa eleksyon 2020.
“Thank you very much but let us just go back to reality. Reality is there’s a pandemic and we — those names who were included in that survey — should continue to focus on the pandemic.
“I think the most important thing nowadays is what are we going to do today, what are our plans today, and what we are going to do in the next first quarter and the incoming vaccine,” lahad ng dating aktor sa nasabing interview.
Patuloy pa niya, “I think ‘yun muna siguro ang mahalaga, more than political growth or career growth. Hindi ko talaga siya ine-entertain.
“I would rather focus on Manila and focus on the pandemic. If we can offer a lot of things to ease the burden, the effects of this pandemic on the lives of every family in the City of Manila, then I will do so ‘yun muna ang talagang naka-focus ako,” dagdag na pahayag pa ni Isko.
Sa isang panayam, sinabi ni Isko na “destiny” ang pagiging pangulo, kung ibibigay raw ito ng tadhana at ng Diyos, mangyayari at mangyayari ito.
“Destiny yan, lahat nu’ng nagplano niyan natalo lalo nu’ng naging atat, natalo rin. Yung nagmadali? Maraming ganyan. Kusang dumarating ‘yan, saka tao nagbibigay niyan,” aniya pa.