AC Bonifacio hahataw sa US teen series na ‘Riverdale’ season 5

BONGGA ang pasok ng taong 2021 para sa Kapamilya young actress-dancer na si AC Bonifacio.

Magiging bahagi lang naman ang talentadong dalagita ng bagong season ng sikat na American teen series na “Riverdale.”

Mismong si AC ang nag-post sa kanyang Instagram account ng video teaser ng isang eksena niya sa “Riverdale” season 5.

Dito makikita ang pakikipag-dance showdown niya sa isa sa mga bida ng nasabing US TV series na si Madelaine Petsch na gumaganap bilang si Cheryl Blossom.

“Here’s my page 1/365 submission. Startin’ off the year right w/ a lil sneak peek to #Riverdale Season 5!” ang maikling caption niya sa video clip.

Bukod dito, ipinost din ng creator ng “Riverdale” na si Roberto Sacasa sa social media ang kaparehong teaser na may mensaheng, “2021 Goals. Buckle up, Gang. #Riverdale returns on the @thecw.”

Balitang mapapanood na ang new season ng programa simula sa  Jan. 20. Wala namang binanggit si AC na ibang detalyr tungkol sa magiging role niya sa serye kaya yan ang dapat abangan ng kanyang mga tagasuporta.

Unang umere sa US television ang “Riverdale” noong 2017 na ibinase sa mga characters sa Archie Comics.

Bukod nga kay Madelaine Petsch, bida rin dito sina KJ Apa as Archie Andrews, Lili Reinhart bilang Betty Cooper, Camila Mendes as Veronica Lodge at Cole Sprouse bilang sina Jughead Jones.

Binati naman si AC ng kanyang fans at ilang kaibigan sa showbiz. Of course, super proud sila sa bagong milestone na ito sa career ng dalagita.

Comment ng friend niyang si Darren Espanto, “I can’t believe it’s finally coming out.”

Sey naman ni Moira dela Torre, “NO WAYYYYYY   AGHH LOOK AT YOU!!!”

“That’s my best friend!” ang komento ng isa pa niyang kaibigang young actor-singer na Kyle Echarri.

Kung matatandaan, nag-guest na rin si AC sa US TV show na “The Ellen DeGeneres Show” noong 2013 kung saan humataw sila ni Lucky Ancheta sa dancefloor bilang dancing tandem na Lucky Aces.

Unang sumikat si AC Kapamilya reality talent shows na “Dance Kids” at “Your Face Sounds Familiar Kids.” Mas lalo pa siyang nakilala hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa dahil sa mga viral dance covers niya ng Blackpink hit songs.

Read more...