Chito: Proud ako na mas pinili kong mag-ipon at mamuhay ng simple kesa maging maluho

NANG dahil sa COVID-19 pandemic at sa pagpapatupad ng lockdown sa bansa, na-realize ng singer-songwriter na si Chito Miranda kung ano ba talaga ang pinakamahalaga sa buhay.

Tulad ng karamihan sa mga Filipino, dumanas din ng matitinding problema at pagsubok ang vocalist ng bandang Parokya ni Edgar pati na ang asawa niyang aktres na si Neri Naig.

Simula pa lang ng taon ay tinamaan na agad ng kamalasan ang “pangkabuhayan showcase” ng celebrity couple, lalo ang resto business nila ni Neri sa Tagaytay.

Sa kanyang Instagram account, inisa-isa ni Chito ang mga challenges na hinarap nilang mag-asawa at kung paano nila ito napagtagumpayan.

Kaya naman abot-langit pa rin ang pasasalamat ng OPM icon sa Diyos dahil nananatili pa ring maayos, malusog at matatag ang kanilang pamilya sa kabila ng pandemya.

Narito ang mahabang New Year’s message ni Chito na ibinahagi niya sa madlang pipol; “Happy New Year sa ating lahat!

“Tulad ng karamihan, pinagdarasal ko din na sana maging mas mabuti ang 2021 for everyone, pero sobrang thankful pa rin talaga ako sa lahat ng nangyari sa akin, at aking pamilya, ngayon 2020.

“Aminado ako na sobrang hassle ng year na ‘to,” simula niyang pahayag.

“Kakalipat lang namin ng Kimchi (yung resto namin ni Dindin) sa Serin (mall dito sa Tagaytay) nung December…after a month, pumutok yung Taal.

“Nagsara yung Kimchi kasabay ng Neri’s Not So Secret Garden dito sa Alfonso.

“Nakapagbukas kami ulit nung Feb, pero bigla namang nag-lockdown nung March, at dahil dun, nagsara kami ulit, but this time, nadamay na din yung 3 other restaurants that I partly own,” lahad pa ni Chito.

Inamin din niya na biglang natigil ang mga gigs ng Parokya ni Edgar nang dahil sa health crisis.

“Our gigs, and those restaurants were my primary sources of income…tapos biglang nawala lahat, sabay sabay.

“Mabuti nalang nauso yung online gigs at naging ok naman si Kimchi eventually hehe! Salamat talaga.

‘Yung Neri’s Not So Secret Garden naman, ginawa munang office ni Neri, pero mabubukas na rin ulit soon.

“Mabuti nalang din may iba akong investments at madami akong nagawang kanta. The rent and the royalties were enough to help us get through,” chika pa ng mister ni Neri.

Patuloy pa niya, “I’m so glad, and admittedly proud, na mas pinili ko mag-ipon at mag-invest, at mamuhay ng simple, instead na maging maluho.

“Dun palang thankful na ko…but what I always really pray for is for our family to be safe and healthy, and for me to have more time for them.

“Here I am now, safe and sound with my healthy family, enjoying my long break after working nonstop for more than 25yrs.

“Another thing that I am thankful for is yung fact na binuhos ni God lahat ng opportunities for Neri, at kasabay nun, binigyan ako ng enough free time to help her out, para makapag-focus at matutukan nya ng maayos yung mga negosyo nya, at ma-pursue nya yung mga goals and dreams nya for our family.

“Sabi nga nila, God works in mysterious ways, that everything happens for a reason, and that everything is a blessing in disguise.

“2020 sucked…pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama at mas natututukan ko ang pamilya ko, mas na-appreciate ko yung mga things which were taken for granted, at na-realize ko kung ano talaga ang importante sa buhay,” ang pahayag pa ni Chito Miranda.

Read more...