NATATAWA na lang si John Lloyd Cruz sa mga taong walang ginawa kundi ang laitin at okrayin siya, pati ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban.
Mukhang tanggap na ni Lloydie na hangga’t buhay silang magkasintahan ay hindi sila tatantanan ng kanilang mga bashers.
May mga naririnig at nababasa kasi si John Lloyd sa mga social networking sites ngayon, may isang nag-comment na bakit daw ang taba-taba niya ngayon, hindi raw ba siya inaalagaang mabuti ni Angelica, bakit daw parang wala na siyang pakialam sa itsura niya?
Sa isang interview sinabi ng aktor na normal naman daw ang feeling niya at hindi siya apektado sa mga nagsasabing mukha na siyang lechon sa katabaan.
“I look normal naman ah. Ha-hahaha! Talagang pag-uusapan natin yan? Pag-usapan natin yan pag medyo ganu’n na ako. Hindi naman puwedeng i-define ang weight ko or yung physical appearance ko nu’ng pagsasama namin.
I mean, kung pumayat ako ibig sabihin ba nu’n hindi siya masarap mag-alaga? Hindi yun ang basehan para sa akin.”Parang hindi siya dapat nini-relate sa status mo eh, kung masaya ka o hindi.
Siguro dahil wala ako masyadong ginagawa ngayon? Alam n’yo sa totoo lang, magmula nung when I started approaching 30, mga late last year nagsimula ako na to engage myself into sports.
“Tina-try kong tumakbo at saka nag-ba-badminton ako ulit. Na-injure na nga ako eh. Tapos nag-ba-bike ako. Para magawa ko yung gusto gawin, which is kumain,” natatawang depensa ni John Lloyd.
Sa ngayon, iniintindi na lang ng aktor ang mga taong patuloy na naninira sa kanya, “Wala naman kaming magagawa sa kanila. Kung mas gusto nilang mag-dedicate ng negativity gamit ang oras nila, nasa kanila yun.
Kanya-kanya tayo eh. Hindi mo naman sila puwede bawalan o i-hate for doing that kasi parang pag ganun pa nangyari, parang you’re just giving them the pleasure of just getting affected sa ginagawa nila.
“So kami, although may mga pagkakataon talaga especially pag dinadamay ang pamilya mo, yung mga taong hindi na kayang depensahan ang sarili nila, yung mga pribadong tao sa buhay namin pag dinadamay nila, minsan umaabot din kami sa point na parang gusto mo na pumatol.
“Pero palipasin mo lang ng konting oras and then kaya mo siyang lagpasan. And then you become the bigger person. Kumbaga nasa kanila yun, kung gusto nilang maging productive in a negative way, then it’s their choice.
Tigil ka lang and let it pass,” tuluy-tuloy na sabi pa ni John Lloyd sa interview ng Push.com.ph ng ABS-CBN. Hirit pa ng Kapamilya actor, hangga’t masaya siya at napapasaya niya si Angelica, wala siyang dapat ikabahala, “Well ganu’n lang naman yung tama di ba?
Hindi ba’t ganun naman lahat? Ginagawa ko lang yung dapat ginagawa. Hindi siya kasi trabaho, hindi siya obligasyon. Parang yun yung natural sa akin eh. So I guess ganu’n lang talaga ako magpakita ng pagmamahal.”
( Photo credit to Google )