Son Ye-jin may inamin matapos ang rebelasyon ng relasyon kay Hyun Bin

Philippine Daily Inquirer

Matapos ang kumpirmasyon na nagdi-date na nga sina Hyun Bin at Son Ye-jin, sinabi ng aktres sa isang Instagram story ang kanyang nararamdaman tungkol sa kanilang rebelasyon.

“Bagong taon na. Sa pagharap ko sa inyo hatid ang balita tungkol sa personal kong buhay sa halip na balita kaugnay sa trabaho, hindi ko alam kung bakit nakakaramdadam ako ng sobrang pagkahiya,” ang caption ni Son sa post niyang larawan ng isang basket na bulaklak.

“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, pero sa tingin ko dapat kahit papaano ay magsalita ako sa inyong lahat. It feels very awkward and strange..^^;” wika pa niya.

Opisyal na kinumpirma  ng mga ahensiya nina Hyun at Son nitong Biyernes na may walong buwan nang nagdi-date ang dalawang bida ng sikat na telesersyeng ng South Korea na “Crash Landing On You.”

Nagsimula ang kanilang relasyon noong nakaraang Marso, isang buwan pagkatapos ng produksyon ng “CLOY.”

Dating itinatanggi nina Hyun at Son ang kumakalat na chika na may romantikong ugnayan sila.

“Nagpapasalamat ako na nakakilala ako ng isang mabuting tao, at gagawin ko ang lahat para mapangalagaan ang relasyon na ito,” ani Son sa kanyang Instagram post.

https://bandera.inquirer.net/273575/k-drama-stars-hyun-bin-son-ye-jin-kumpirmadong-nagde-date-nagkadebelopan-sa-cloy

Read more...