K-Drama stars Hyun Bin, Son Ye-jin kumpirmadong nagde-date: nagkadebelopan sa ‘CLOY’

CONFIRMED! Nagde-date na nga ang “Crash Landing On You” lead stars na sina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Una nang napabalita na nagkakamabutihan ang dalawang Korean superstars matapos nilang gawin ang hit K-Drama series na “Crash Landing On You”.

Mismong ang talent management ng celebrity couple ang naglabas ng official statement para ibandera sa kanilang mga fans all over thr universe ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

“The two actors Hyun-bin and Son Ye-jin had a relationship through work, and after the drama ended, they developed into lovers with good feelings for each other,” ang bahagi ng nasabing joint statement base sa report ng South Korean media outlet na Sports Trend.

Bago ang kumpirmasyong ito, naglabas ng artikulo ang entertainment site na Dispatch tungkol kina Hyun Bin at Son Ye-jin. Ayon sa ulat, walong buwan nang nagde-date ang dalawang Korean stars.

“I think that after the drama ended and they spent time apart, they began to miss each other,” ayon sa nasabing ulat.

Kung matatandaan, dinenay ng dalawang K-Drama stars na “in a relationship” na sila matapos ngang kumalat ang chika na na-develop ang feelings nila sa isa’t isa matapos ang “CLOY”.

Sumikat nang todo ang “Crash Landing on You” sa Filipino audience mula nang ipatupad ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic. Sa katunayan, kinuha pa silang brand endorser para sa isang local telecommunications company.

Read more...