Si Lovely lang malakas: For 2nd time…I got engaged at nag-propose na rin si Benj sa anak ko

SI Lovely Abella lang ang malakas! Yan ang nagkakaisang komento ng mga netizens sa New Year pasabog ng Kapuso actress at ng partner niyang si Benj Manalo.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinandera ng “Bubble Gang” star na nag-propose uli ang kanyang fiancé sa mismong unang araw ng Bagong Taon. Bukod dito, “nag-propose” rin daw si Benj sa anak niyang si Crisha Kaye.

“For 2nd time around I got engaged at nag-propose na din si Benj sa anak ko para maging anak na din niya.

“Ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat in God’s perfect time. Nak, pangako ko na wala kang kahati, ikaw lang forever @crishakaye_.

“Babe @benj salamat sa lahat ng pagmamahal, madami mang pinagdaanan pero alam nating sila ang mapapagod sa atin, cheers babe and good job sa atin,” caption ni Lovely sa mga ipinost niyang mga litrato sa Instagram.

Nagbigay din ng New Year’s message ang aktres sa lahat ng Pinoy, “At sayo 2020, thank you [sa] lahat ng tinuro mo sa amin, sa lahat ng sakit na binigay mo dahil sa lahat ng ‘yun may bakas man, pero mas marami kaming natutunan.. papasukin na namin ang 2021 ng panibagong buhay.

“Sa lahat ng nangyari, mas nae-excite na ako sa mga haharapin pa namin ng buong tapang. Happy New Year, everyone.”

Samantala, nagbahagi rin ng mensahe si Benj sa pamamagitan ng IG para kina Lovely, “Thank you 2020! Maraming salamat sa lahat! Sa buhay, sa pag mamahal Lord!

“Higit sa lahat, salamat dahil papasok ang 2021 na mapapakasalan ko ang dalawang importanteng babae sa buhay ko, I got engaged again to my partner @lovelyabella_ and my daughter @crishakaye_ dun palang sobrang happy na ako papasok ng 2021!”

Unang nag-propose ang aktor kay Lovely noong June, 2019 sa pamamagitan ng isang fake music video shoot na talagang ikinagulat ng aktres.

Read more...