Richard Yap personal na ibinigay kay Mayor Vico ang ayuda para sa mga taga-Pasig

 

TINAPOS ng bagong Kapuso star na si Richard Yap ang 2020 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong at ayuda para sa mga taga-Pasig City.

Bago nga magpaalam ang taon na itinuturing nang “malas” ng karamihan sa mga Pinoy dahil sa matitinding pagsubok na tumama sa Pilipinas, nakagawa pa ng kabutihan sa kapwa si Richard.

 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng singer-actor-businessman ang ilan niyang litrato na kuha sa pagbisita niya sa opisina ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

 

Personal na iniabot ng Kapuso leading man ang nakalap nilang donasyon sa pamamagitan ng kanilang fraternity, ang Maagap Valiant Eagles Club.

Ani Richard, kahit paano’y makakatulong sa mga Pasigueño ang nakolekta nilang tulong mula sa kanilang mga kaibigan at mga taong nais ding makapag-abot ng ayuda sa mga kababayan nating walang-wala sa panahon ng pandemya.

“Before the year ended, the Maagap Valiant Eagles Club was able to formally turn over to Mayor @vicosotto 50 bicycles, used clothes, face shields and etc. for the constituents of the City of Pasig, together with our President Kuya Luigi Garcia, Kuya Tony Aquino,Kuya Ron, Kuya Larry D, Kuya Wency, Kuya Ali. Thanks also to Kuya James K,” caption ng aktor sa kanyang IG photo.

Feeling blessed pa rin si Richard sa pagtatapos ng 2020 at sa pagpasok ng 2021 dahil sa kabila ng pandemya ay naka-survive pa rin sila ng kanyang pamilya at may bonus pa ngang kontrata sa GMA 7.

 

Nitong nagdaang Dec.16, pumirma si Richard ng management contract sa GMA Artist Center at nakatakda na ngang mapanood sa ilang shows ng Kapuso Network, kabilang na ang isang bagong teleserye.

 

“I actually can’t believe it kasi parang a year ago or a few months ago parang this was not even possible I think.

 

“Now that I’m already here, I’m really grateful to GMA for betting on me na when at this time of pandemic ang daming ibang stations that are letting go of people. There are so many people losing their jobs. I guess I’m just so lucky to be accepted and to be a part of GMA.

 

“There were a few offers for me before already and I was really curious to try it out. It just so happen na hindi nagtugma ‘yung schedules.

 

“I have friends also in GMA. So, parang I was really curious kasi they were so happy with being a Kapuso. That’s what got my interest na parang we could find another na pwede pala nating mapuntahan,” lahad ng Kapuso actor.

Read more...