Resbak ng dyowa ni BELA sa nakaaway na WRITER: Idedemanda ko talaga siya!


Isang kasamahan namin sa panulat ang dumulog sa DZMM program namin the other night – si Joey Sarmiento – and meron siyang isiniwalat na insidente na ikinalungkot namin.

“Pumunta ako sa shooting ni Robin Padilla sa Arce Compound at sobrang trauma ang inabot ko sa set nila. Nu’ng pagdating ko, binangga ako ni Jun Hidalgo (pinsan ni Robin)  at sinita ako kung bakit ko raw tinitira sa column ko si Bela Padilla.

Sinabi ko sa kaniyang three years ago pa iyon and objective naman ang pagkasulat ko. “After a while ay ipinakilala sa akin ang isa sa mga producers ng film na boyfriend ni Bela, si Neil Arce.

Nu’ng una ay okay naman kaming nag-uusap. Maya-maya nang konti ay pumasok siya sa loob at bumalik. Niyaya niya ako sa labas at dinala niya ako sa isang madilim na part ng garden at agad na sinuntok, sinampal at sinakal.

Bakit ko raw kasi tinira ang girlfriend niya sa column ko. Sinabi ko sa kaniya na matagal na iyon, hindi pa nga yata sila magkakilala noon.

“Thirty minutes niya akong binugbog at hinawakan pa ni Jun ang isang kamay ko while yung isa nilang kasama ay hawak din ang kabilang kamay ko.

Then, tiningnan niya ang dalawang cellfones ko dahil baka may recorder daw iyon at nang malamang hindi naman recorded ang insidente ay binagsak niya ang isa kaya nasira.

Tinanong niya ako kung isusulat ko ba yung pananakit niya sa akin at nang sabihin kong kolumnista ako, sinampal niya ulit ako. Kaya para matigil na ang pananakit niya, sinabi ko na lang na hindi ko isusulat.

Tsaka nila ako pinakawalan,” salaysay ni Joey. After ng interview namin, agad naming hinanap si Neil Arce para kunin ang side niya. We met up that night sa Club Filipino dahil kailangang malaman namin ang totoo.

“Hindi ko po siya binugbog. That’s a lie. Inilarawan niya akong napakasamang tao kahit walang basehan. Hindi po totoo iyon. Ganito ang nangyari.

May shooting kami sa compound namin ng pelikula na kinu-co-produce namin with Tito Robin. Actually, wala kaming in-invite na reporters that night  pero since nandoon na siya, pinakiharapan naman nang mabuti.

“Hindi ko siya kilala actually. Nang ipakilala siya sa akin, okay naman at first. Nagpakilala siyang editor daw ng Remate and all. Sabi ko sa kaniya, baka gusto niyang kumain ng midnight snack, dahil after dinner break na iyon, merong champorado at tucino doon at meron akong sinenyas sa secretary namin na mag-prepare ng little something for him sa envelope.

Maya-maya ay tinanong niya ako kung ako raw ba ang boyfriend ni Bela and I said yes.”Then, dire-diretso na siyang nagkuwento na naisulat nga raw niya si Bela nang hindi maganda three years back dahil hindi raw niya gusto ang ugali ng mommy nito, mapanlait daw.

Sabi ko sa kaniya, baka overprotective lang ang mommy niya dahil bata pa siya that time. Then tuloy-tuloy pa rin siya at sinisiraan na ang girlfriend ko at mommy niya. Natural na-offend ako.

“Parang ang lakas naman ng loob niyang siraan ang mga taong malapit sa akin sa sariling pamamahay ko pa. In the first place we didn’t invite him to come and sabi ng guard namin, nagpumilit talaga siyang pumasok.

Then he said, puwede naman daw naming ayusin ang problema nila. I felt so offended, he sounds like he was extorting na.
“Ibang usapan na iyon kaya ang ginawa ko, talagang hinila ko siya papalabas, dragging him outside kasi nga ongoing ang take ni Tito Robin.

Natural na nagkakasakitan kami nang konti dahil iwinawasiwas niya ang kamay niya habang dina-drag ko siya palabas. Pero hindi ko siya sinuntok, sinampal o sinakal.

Kung binugbog ko siya, di sana black and blue na siya. “Sana wasak ang mukha niya kung sinuuntok, sinampal at sinakal ko siya.

I’ve already consulted my lawyers on this and we are filing cases against this person,” ani Neil Arce who, in fairness, ay puno naman ng honesty and consistencies ang kuwento.

Kaya kami naman ay parang nalagay sa gitna, sino ang mas paniniwalaan namin ngayon? Bahala na siguro ang courts of law sa issue nila. Good luck na lang, okay?

( Photo credit to Google )

Read more...