SALUDO ang TV host-actress na si Angel Locsin sa lahat ng bayaning magsasaka at sa mga taong patuloy na nagsusulong ng kanilang mga adbokasiya para sa kalikasan.
Ibinandera ni Angel at ng kanyang fiancé na si Neil Arce ang bago nilang passion project na siguradong malaki ang maitutulong para sa pangangalaga sa ating kapaligiran at kay Mother Earth.
Kamakailan, binisita ng engaged couple ang pag-aaring farm ni Angel sa San Jose del Monte Bulacan para simulan ang kanilang “Project Green” kung saan mismong sila ang naglinis at nagbungkal ng lupa para magtanim ng iba’t ibang uri ng puno.
Ipinost ni Angel sa Instagram ang ilang litrato nila ni Neil sa pag-aari niyang lupa na matagal na niyang nabili. Aniya sa caption, “Magtanim ay hindi talaga biro! Salute to our farmers and tree planters for all their efforts.”
Dagdag pa ng aktres, “Plant trees for a better tomorrow. Small acts, when multiplied by millions of people, can transform the world.”
At sa bagong vlog nga ng aktres sa kanyang YouTube channel, ipinakita ang berdeng paligid ng farm kung saan nga magsisimula ang passion project nina Angel at Neil.
Sey ni Angel, “Without trees, life could not exist on earth. There would be no rain, our soils would be unprotected, and the air would be unsuitable for breathing…
“If you’re looking for a powerful and affordable way to make a positive difference to the environment, go out and plant a tree today.”
Kung matatandaan, naikuwento ni Angel sa isang panayam ang tungkol sa nasabing farm, “Kaya ako nagkaroon ng lupa sa Bulacan, kasi gusto ko mag-farm. Buti na lang din, good idea, kasi ang mahal na du’n ng lupa ngayon.
“Nabili ko na bago pa magbilihan yung mga tao so ewan ko, parang okay din kasi may investment ako du’n. Nalaman ko yun, puro officials and politicians and mga big people ang nandoon.
“So magtataka ka, bakit? E, parang agri land ‘to na may konting tao ganyan, maliit yung kalye. ‘Bakit?’ So nagtanung-tanong na ako, ‘tapos, ‘Ah ganu’n ba? Dito ako sa tabi ni ganito! Pero maliit lang…’
“Ganu’n lang nangyari sa akin so parang sinuwerte lang. Nagkaroon ako ng time maghanap ng parang mga pang-farm-farm du’n sa five years na yun,” lahad pa ng tinaguriang real life Darna.